Ice Seguerra inalala ang pagkamatay ng tatay: 2 taon mula nu'ng nauna ka para makipag-mahjong at bidyoke sa langit | Bandera

Ice Seguerra inalala ang pagkamatay ng tatay: 2 taon mula nu’ng nauna ka para makipag-mahjong at bidyoke sa langit

Ervin Santiago - November 17, 2022 - 07:43 AM

Ice Seguerra inalala ang pagkamatay ng tatay: 2 taon mula nu'ng nauna ka para makipag-mahjong at bidyoke sa langit

Ice Seguerra at Daddy Dick

INALALA ng OPM icon at singer-actor na si Ice Seguerra ang pagpanaw ng kanyang ama dalawang taon na ngayon ang nakararaan.

Kahapon, November 16, ang eksaktong petsa ng kamatayan ng ama ni Ice na si Decoroso “Dick” Seguerra na ilang taon ding nakipaglaban sa cancer.

Sa kanyang Facebook at Instagram account, nagbahagi ang award-winning singer-songwriter ng black and white photo ng ama kalakip ang kanyang message para sa  second death anniversary nito.

“Dalawang taon mula nung nauna ka na para makipag mahjong at bidyoke sa langit.

“Miss pa rin kita kaya nalulungkot pa rin ako kapag naiisip kita. Pero alam kong happy ka diyan atsaka alam ko rin na kahit hindi na kita nakakausap, parati kang nasa puso ko.

“I love you, Pogi. Missing you always,” ang buong pahayag ni Ice.

Namaalam ang tatay ni Ice noong November 15, 2020 matapos makipaglaban sa prostate cancer. Ani Ice, sa kabila ng mga pagsubok na hinarap nila noong nagkasakit si Daddy Dick ay naging mas malapit naman daw ang kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra)


“We became more open, expressive, more understanding of each other’s pain and journey. We hug each other more, give kisses spontaneously. We are happier,” ani Ice.

Nang mamatay ang tatay, inilarawan niya itong, “Awesome father, husband, brother, lolo, friend, and leader.”

“He has touched many lives by his kindness, gentle support – and most of all, his sense of humor,” aniya pa.

Ice Seguerra umaming tsine-check pa rin ang mga ex-dyowa, OK lang kaya kay Liza Diño?

Mommy Caring todo-iyak nang malaman ang pinagdaanang depresyon at anxiety ni Ice Seguerra

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ice Seguerra forever tatanaw ng utang na loob kay Bossing at sa Eat Bulaga: Ito ‘yung panahong nagpupumilit akong mag-loveteam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending