Lolit Solis bet na bet si Mark Leviste para kay Kris Aquino: Very happy ako na out in the open na ang love nila | Bandera

Lolit Solis bet na bet si Mark Leviste para kay Kris Aquino: Very happy ako na out in the open na ang love nila

Therese Arceo |June 09,2023
facebook
share this

Lolit Solis bet na bet si Mark Leviste para kay Kris Aquino: Very happy ako na out in the open na ang love nila

Therese Arceo - June 09, 2023 - 07:07 AM

Lolit Solis bet na bet si Mark Leviste para kay Kris Aquino: Very happy ako na out in the open na ang love nila
MASAYANG-MASAYA ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis para sa Queen of All Media na si Kris Aquino.

Ang dahilan ay tila nahanap na raw nito ang pagmamahal na kanyang deserve sa katauhan ng bise gobernador ng Batangas na si Mark Leviste.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Lolit ang kanyang saloobin ukol sa dalawa.

“Very happy ako na out in the open na ang love nila Kris Aquino at Mark Leviste, Salve. About time na matagpuan na ni Kris Aquino ang love na hinahanap niya,” saad ni Lolit.

Pagpapatuloy pa niya, “Mabuti na lang at naging pasensiyoso si Mark Leviste. Hinintay niya na maging handa si Kris sa pagtanggap sa kanya.”

Pinuri rin ni Lolit ang pagiging pasensyoso ng politiko na siyang magiging sandata raw nila ni Kris sa kanilang relasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Baka Bet Mo: Lolit Solis botong-boto kina Kris Aquino at Mark Leviste: Sana ito na ang matagal niyang hinihintay

“Iyon patience ni Mark ang magiging sandata niya sa relasyon nila ni Kris Aquino.

“Alam natin lahat kung minsan may mga moods swing si Kris na dapat mong pagbigyan at unawain,” chika pa ni Lolit.

Aniya, sigurado siya na tanggap ito ni Mark lalo na’y matagal na siyang nasa tabi ng bunsong kapatid ng dating Pangulong Benigno Aquino III.

Sey pa ni Lolit, “At ang patunay kung hanggang saan ang pagtitiis niya, iyon pagpunta niya sa US para dalawin/ alagaan ito. Siguro duon natunaw ang puso ni Kris, ang nakitang pagtitiyaga ni Mark Leviste.”

Navi-visualizd nga niyang magigin future hubby ni Kris ang vice governor.

“Naku Salve at Gorgy talagang nakikita ko na magiging Mrs Kris Aquino Leviste siya ni Mark. Sure ako na maiiyak tayo Gorgy at Salve pag natupad ito dahil matagal na natin wish ang happiness ni Kris,” hirit pa ni Lolit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kris Aquino grateful kay Mark Leviste, pangako sa mga Batangueño: Hindi ko na po sya gagambalain para yung FOCUS nya inyong inyo

Lolit Solis nakatanggap ng flowers mula kay Mark Leviste: Feeling Kris Aquino ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending