Lolit Solis nakatanggap ng flowers mula kay Mark Leviste: Feeling Kris Aquino ako | Bandera

Lolit Solis nakatanggap ng flowers mula kay Mark Leviste: Feeling Kris Aquino ako

Therese Arceo |June 01,2023
facebook
share this

Lolit Solis nakatanggap ng flowers mula kay Mark Leviste: Feeling Kris Aquino ako

Therese Arceo - June 01, 2023 - 03:02 PM

Lolit Solis nakatanggap ng flowers mula kay Mark Leviste: Feeling Kris Aquino ako
SUPER kilig ang naramdaman ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis nang makatanggap ng flowers mula kay Mark Leviste.

Sa kanyang Instagram account ay ibinandera niya ang larawan ng yellow flowers na nakapangalan sa kanya.

“Ay Salve, feeling Kris Aquino ako na nakatanggap ng yellow flowers from Mark Leviste. Sure ako si Kris ang nag advice kay Mark na padalhan ako ng flowers,” panimula ni Lolit.

Dagdag pa niya, “In fairness touching dahil nuon pa naman pag nakikita mo si Mark Leviste talagang magalang siya, palabati at approachable.”

Ani Lolit, talagang matutuwa siya kung sakalong maging forever na sina Kris at Mark dahil mukhang maalaga raw ang huli.

“Matagal na nilang kilala ang isa’t isa kaya alam na nila paano pakikisamahan ang bawat isa,” sey pa ng kolumnista.

Baka Bet Mo: Lolit Solis botong-boto kina Kris Aquino at Mark Leviste: Sana ito na ang matagal niyang hinihintay

Chika pa niya, nasa level na raw ng life sina Kris at Mark kung saan magse-settle down na ito kapag nakita na nila ang taong magpapasaya sa kanila.

Dasal naman ni Lolit na sana daw ay this time, parehong matagpuan ng dalawa ang forever na para sa kanila.

“About time na pang matagalan na ang matagpuan nilang relasyon. At sana nga kung sila ang nababagay para sa isa’t isa ngayon na maganap iyon.

“Sana nga maging start na ang friendship nila ngayon sa isang deeper level na relasyon,” sey pa ni Lolit.

Dagdag pa niya, “How nice kung sakali na matagpuan na ni Kris ang hinahanap na ligaya sa piling ni Mark. Bongga din di ba, Kris Aquino Leviste, ganda din pakinggan kung sakali, bongga.”

Related Chika:
Lolit Solis sa isyu sa pagitan ni Willie at Viva: Kaya ang tawag ng ilan sa kanya Willie Reklamo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis tinalakan si Liza: Gumising ka sa katotohanan ng buhay!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending