Lolit Solis tinalakan si Liza: Gumising ka sa katotohanan ng buhay! | Bandera

Lolit Solis tinalakan si Liza: Gumising ka sa katotohanan ng buhay!

Therese Arceo |March 02,2023
facebook
share this

Lolit Solis tinalakan si Liza: Gumising ka sa katotohanan ng buhay!

Therese Arceo - March 02, 2023 - 07:44 PM

Lolit Solis tinalakan si Liza: Gumising ka sa katotohanan ng buhay!

HINDI mapigilan ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ang kontrobersyal na aktres na si Liza Soberano.

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang tila pagiging “ungrateful” nito dahil sa mga naging pahayag niya sa latest vlog niya na pinamagatang “This Is Me”.

Saad ni Manay Lolit, “Iyon pagbubukas ni Liza ‘Hope’ Soberano ng pandora box , iyan ang laging hinaing ng bawat star na sandaling nakarating sa itaas.

“Pag nasa itaas na kasi sila para bang saka lang nila nakita iyon mga bagay na nagiging reklamo nila. Para bang utang na loob pa ng mga taong nakasama nila ang narating nila. Iyon false feeling of sacrifice na sinasabi nilang nangyari sa kanila.”

Aniya, nakakaramdam daw ang mga celebrities na ito ng “false feeling of sacrifice” kung saan tila nawalan sila ng identity, privacy, at ang pakiramdama na para silang puppet.

Sey pa ni Manay Lolit, “Hindi na lang sila magpa salamat na sumikat sila, na kumita sila ng malaki, na naging masarap ang buhay nila.”

Chika pa niya, nakakatawa raw ba pagkatapos ng makamtan ang masarap na buhay ay bigla na lang daw magko-complain sa mga bagay na naging sakripisyo nila along the process.

Banat ni Manay Lolit, “You pay something for whatever you get in life. You aspire for something high, dapat ready ka sa anuman bagay na kapalit nito. Kung gusto niya naging tahimik ang buhay niya, dapat hindi siya pumasok sa showbiz at nanatiling Hope Soberano for the rest of her life.

“Naging Liza Soberano ka, lahat ng dapat ibigay ng pagiging Liza Soberano mo ibigay mo kapalit ng magandang bagay na gusto mo makuha.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Sabi pa niya, katumbas ng malaking pera na kinikita ng mga artista anf pagsasakripisyo ng ilang bagay sa kanilang buhay.

“Bawat pera na darating sa iyo may katapat na bagay. Nawala privacy mo, dahil naging kapalit iyon ng pera na kinita mo sa showbiz. Wala yatang propesyon na sinlaki ng ibinabayad ng showbiz ang kikitain mo.

Shock nga mga doctors and lawyers na ang kinikita nila sa loob ng isang buwan ay bayad sa isang araw na trabaho ng isang big star. Malaki ang bayad sa isang artista, kaya malaki din ang sakripisyo na dapat nilang ibigay bilang kapalit,” pagbabahagi pa ni Manay Lolit.

Nakakatawa nga raw na nagko-complain ang artista sa isang bagay na nagbigay daan para magkaroon siya ng bahay, sasakyan, at ng mga bagay na nae-enjoy at natatamasa niya ngayon sa buhay.

“False victim feeling ang nadarama ngayon ni Liza’Hope’ Soberano. Wake up girl, gumising ka sa katotohanan ng buhay. Be honest in living your life. If you enjoy the aircon in your room, the ride in your car, just be thankful. Huwag na iyon pa eklay na para kang puppet.

“Huwag mag feeling profound o know it all dahil nega iyon. Just enjoy life. With or without Liza’Hope’ Soberano, buhay parin mga taga showbiz. Ikaw ang may utang sa showbiz, at walang dapat tanawin na utang na loob sa iyo ang showbiz,” hirit pa ni Manay Lolit.

Related Chika:
Lolit binanatan na naman ng bashers matapos magkomento sa kasalang Angel-Neil

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris: I was so sad, talagang ipinagtapat niya ang pain na nadarama niya

Lolit Solis pinagsabihan ng anak matapos okrayin si Angeline Quinto: Wala naman akong personal na galit sa kanya

Lolit iniimbitahan si Kylie sa kanilang programa; Naniniwalang mali si Aljur sa mga salitang binitiwan niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending