Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris: I was so sad, talagang ipinagtapat niya ang pain na nadarama niya | Bandera

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris: I was so sad, talagang ipinagtapat niya ang pain na nadarama niya

Reggee Bonoan |May 23,2022
facebook
share this

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris: I was so sad, talagang ipinagtapat niya ang pain na nadarama niya

Reggee Bonoan - May 23, 2022 - 05:48 PM

Kris Aquino

KAHIT hindi na maganda ang pakiramdam ni Kris Aquino ay nagawa pa rin niyang batiin sa kanyang kaarawan ang kilalang talent manager na Manay Lolit Solis na naging malaking bahagi rin sa buhay ng tinaguriang Queen of Social Media.

Nagpadala ng sulat si Kris kay Manay Lolit at inaming napaiyak siya habang binabasa niya ito.

“Umiyak ako sa letter ni Kris Aquino, Salve. Umiyak ako sa parte ng hinihiling lang niya na sana mabuhay siya hanggang marating ni Bimby ang edad na puwede na niyang alagaan si Joshua.

“Iyon mabuhay siya para na lang sa dalawang anak niya. Tanggap niya na nahihirapan siya sa kanyang sakit, at talagang napi-feel niya kung minsan iyon hirap na hindi na niya makaya at hirap na siya kahit sa pagsusulat.

“I was so sad reading her letter dahil talagang ipinagtapat niya iyon pain na nadarama niya. Nakaka lungkot na negative pa iyon iba sa reaction nila kay Kris at hindi alam kung ano ang pinagdadaanan nito sa health niya.

“Kitang-kita mo ang pagpayat ni Kris, sign na talagang may nadaramang sakit. Hanga ka nga sa kanya dahil kinakaya niya ang pain at pinipilit ang katawan para hindi masyado mag alala ang mga tao sa paligid niya,” pagbahahagi nito ng nilalaman ng liham na ipinadala sa kanya ng TV host.

Ang kahilingan ni Manay Lolit sa lahat ng makababasa ng IG post niya, “Maging kind tayo kay Kris Aquino, single mother ng dalawang anak na mga hindi pa puwede mamuhay ng wala ang guidance ng kanilang ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)


“Maging malambot ang puso natin sa kanyang journey sa buhay, gabayan natin para hindi maging mahirap ang lahat para sa pamilya niya.

“Hindi niya kailangan ang bashing, o anuman pagpuna sa ngayon. Sensitive siya dahil ayaw niya na pati mga anak ay maapektuhan.

“She is worth loving, dahil isa si Kris Aquino sa tutoong tao sa showbiz. Be kind to her. Love her,” sabi pa ng veteran columnist.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kami man ay nanalanging malampasan lahat ni Kris ang dinadaanan niya at agarang paggaling ang tangi naming hiling sa Ama.

Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang ‘yun, nai-scratch pa ‘yung pangalan niya

Yen Santos sinusulsulan ba si Paolo na huwag kausapin si Lolit Solis?

RR Enriquez nakisawsaw sa fake news tungkol kina Lolit Solis at Mark Herras

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending