Lolit Solis pinagsabihan ng anak matapos okrayin si Angeline Quinto: Wala naman akong personal na galit sa kanya | Bandera

Lolit Solis pinagsabihan ng anak matapos okrayin si Angeline Quinto: Wala naman akong personal na galit sa kanya

Therese Arceo |May 25,2022
facebook
share this

Lolit Solis pinagsabihan ng anak matapos okrayin si Angeline Quinto: Wala naman akong personal na galit sa kanya

Therese Arceo - May 25, 2022 - 06:35 PM

Lolit Solis pinagsabihan ng anak matapos okrayin si Angeline Quinto: Wala naman akong personal na galit sa kanya
TILA pinaalalahanan ang showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis ng kanyang anak na si Sneezy na magdahan dahan sa mga komento nito sa Kapamilya actress-singer na si Angeline Quinto.

Base sa Instagram post nito ngayong araw ay kinausap raw siya ng kanyang anak na kaibigan pala ng handler ng first time mom.

“Kaibigan pala ng anak ko na si Sneezy si Kate na handler/manager yata ni Angeline Quinto, Salve. At nakiusap ang anak ko to take a second look kay Angeline Quinto,” pagbabahagi ni Manay Lolit.

Aniya, wala naman daw siyang galit sa actress-singer at sa katunayan ay hindi pa raw niya ito nakakadaupang palad at ang mga sinasabi niya ay pawang mga opinyon niya lamang dahil hindi magaganda ang mga ito.

“Wala naman akong personal na galit kay Angeline, at never naman kaming nagkaruon ng chance na magkilala. Iyon opinion ko, dala ng mga nababasa at napapanuod ko.

“Ang punto ko lang, iyon mga issues, dapat tinitignan nilang mabuti para hindi maging minus factor sa isang celebrity. Tulad ngayon, may mga items na naman na ‘Angeline sa BF humihiram ng pera ‘, maganda ba ang issue na ito para sa isang babae tulad ni Angeline?” pagpapatuloy ni Manay Lolit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Dapat daw ay maging maingat na ito sa mga balita patungkol sa kanya lalo na at may anak na sila.

“Bakit hindi ang pagiging mahusay na singer, talented na babae ang bigyan pansin sa kanya. Or iyon focus sa pagiging ina kahit pa nga out of wedlock ang anak niya. Hindi lahat ng news good sa isang celebrity, tutoo man na good or bad, basta may balita about you Ok na, magiging stigma parin iyon, Mas maganda na sa umpisa pa lang, positive na ang balita about you para mas magaan,” dagdag pa ni Manay Lolit.

Sinabi rin nito na sayang naman daw ang talento ni Angeline kung “walang wawa” ang mga balitang lalabas patungkol sa kanya.

“Sige, sana nga mabago na takbo ng mga balita tungkol kay Angeline, medyo iyon sensible na, at iwasan na ang balita sa isang lalaki na hindi kaya panindigan [at] pakasalan ang ina ng anak niya,” sey ni Manay Lolit.

Hirit pa niya, “Isama mo na lang siya sa news pag kasal na kayo, para legitimate ang inyong anak. Angeline Quinto ka na, celebrity, kaya dapat lang na mas premium ka sa mga babae na iniwan niya after magka anak. Huwag iyon para bang ikaw pa ang naghahabol, after all, Angeline Quinto is Angeline Quinto, di ba Salve at Gorgy.”

Related Chika:
Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris: I was so sad, talagang ipinagtapat niya ang pain na nadarama niya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit binanatan na naman ng bashers matapos magkomento sa kasalang Angel-Neil

Angeline Quinto nasasaktan sa tuwing bina-bash ang partner: Hindi n’yo naman alam ang pinagdaanan namin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending