Angeline Quinto nasasaktan sa tuwing bina-bash ang partner: Hindi n'yo naman alam ang pinagdaanan namin Bandera

Angeline Quinto nasasaktan sa tuwing bina-bash ang partner: Hindi n’yo naman alam ang pinagdaanan namin

Therese Arceo |March 12,2022
share this

Angeline Quinto nasasaktan sa tuwing bina-bash ang partner: Hindi n’yo naman alam ang pinagdaanan namin

Therese Arceo March 12, 2022 - 04:13 PM

Angeline Quinto nasasaktan sa tuwing bina-bash ang partner: Hindi n'yo naman alam ang pinagdaanan namin
ISANG buwan na lang ang halos binibilang ni Angeline Quinto bago nito isilang ang kanyang pangalan na anak na so baby Sylvio.

Buhat nang isiwalat ng Kapamilya singer-actress ang kanyang pagbubuntis ay marami na ang mga netizens na talagang tumutok sa kaniyang life updates.

At ngayon ngang papalapit na ang pagbubukas ng bagong chapter ng buhay ni Angeline bilang ina ay marami rin ang nagiging sey ng netizens ukol sa kanyang non-showbiz dyowa at ama ng kanyang dinadala.

Amin ni Angge, nasasaktan siya sa tuwing may mga masasama siyang nababasa at naririnig patungkol sa kanyang partner.

Sa vlog ni Vice Ganda ay nagkaroon ng chance na magka-chikahan sila at pag-usapan kung kumusta na nga ba si Angeline lalo na’t papalapit na ang panganganak nito.

“Minsan pinag-uusapan naming dalawa ng partner ko, ‘Gano’n pala talaga, no? Kapag showbiz, masyado kang idya-judge kahit hindi ka nila kilala,” pagbabahagi ni Angge.

“Hindi nga lang judge, e. Alam mo ‘yung salitang judge, parang sa akin, understatement na siya. Hindi lang judge, bababuyin,” sagot naman ni Vice.

Kwento ni Angeline, dumating raw sa point na ayaw na ng kanyang partner na magpa-picture dahil nga rin sa mga magiging komento ng madlang pipol.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)

 

“Proud naman ako. Syempre mahal mo ‘yung tao pero siya kasi medyo hindi pa siya ready,” pagpapatuloy ni Angge.

Marahil ito ang naging dahilan ni Angeline kung bakit hindi niya muna ipinakilala agad ang dyowa upang proteksyunan ito sa mga mapangmatang netizens.

Matatandaang nito lang talaga isiniwalat ni Angeline ang itsura ng kanyang partner bagamat hindi pa rin nito binabanggit ang pangalan.

At buhat nga noon ay nakakatanggap at nakakabasa na siya ng mga comments kesyo swerte raw ang lalaki dahil artista siya at maganda ang trabaho niya.

“Doon ako nasasaktan rin na parang hindi n’yo naman alam ‘yung pinagdaanan namin,” sey pa ni Angeline.

Hiling niya na sana ay ibalato na ng mga tao sa kanya ang moment na ito dahil ngayon lang rin siya naging masaya ulit.

“Ibigay n’yo na sa akin to,” saad ni Angeline.

Payo naman ni Vice, “Kunin mo ‘yung deserve mo. Gamitin mo ‘yung ginagawa nila laban sa ‘yo sa lalong ikagaganda mo. You own your life.”

 

Related Chika:
Angeline maligaya na sa piling ng non-showbiz BF, inaming ‘nag-try’ sila ni Erik: Pero sabi ko wag na nating pilitin
Angeline Quinto umamin na: Magiging nanay na rin ako

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending