Lolit binanatan na naman ng bashers matapos magkomento sa kasalang Angel-Neil | Bandera

Lolit binanatan na naman ng bashers matapos magkomento sa kasalang Angel-Neil

Therese Arceo |August 10,2021
facebook
share this

Lolit binanatan na naman ng bashers matapos magkomento sa kasalang Angel-Neil

Therese Arceo - August 10, 2021 - 07:23 PM


INULAN na naman ng batikos ang comment section sa Instagram account ni Lolit Solis matapos magbigay ng komento sa civil wedding ng Kapamilya actress na si Angel Locsin at film producer na si Neil Arce.

Ayon kasi kay Manay Lolit, ang akala raw niya ay magda-diet muna si Angel para maganda ito kapag naglakad sa aisle pero biglang civil wedding ang nangyari at hindi pa ito pinaalam sa madla.

“Sabi kasi nuon gusto nila iyon lahat nandun sa special day niya, dahil hindi nagdebut party si Angel, na meron nang naghihintay na wedding dress, pero bakit ganito ang nangyari?

“Baka daw nahirapan mag diet at mukhang matagal bago pumayat, kaya bulaga, kasal na lang bigla. Hah hah, joke joke, pero para ngang baka ganuon dahil si Neil mismo ang nagsabi nuon na gusto niya unforgettable ang wedding ni Angel dahil once in a lifetime lang mangyayari,” pagbabahagi niya.

Ngunit batay rin naman sa kanya, may sari-sarili namang choice ang mga ito at nasa sa kanila kung ano ang nais nilang mangyari.

“Pero siyempre kasal nila iyon, sila masusunod, sila lang ang puwede pumili ng gusto nila mangyari. Saka sa panahon ngayon, talagang hirap ang big preparation, imposible na gawin mo iyon talagang gusto mo na big one dahil ECQ at dahil narin parang insensitive iyon big party ngayon na parang ang hirap ng lahat.

“Well, basta ikinasal na sila Angel at Neil, legal wife and husband na, what more can you asked ? Happy sila, kilig sila, congratulations to the newly wed. The best wish for both, sana forever ang love nila Mr and Mrs Neil Arce,” saad niya.

Marami naman sa mga netizens ang napataas ng kilay dahil sa tinuran ni Manay Lolit.

Ang iba ay nairita dahil napaka-bitter ng dating ng post nito.

“Yung Gurang ka na nga lolit solis pero wala ka pa din pinagkatandaan. Nakakatawa ka maikli nalang ang buhay piliin mong maging mabuti. Baka walang makiramay sayo sa pagiging bitter mo,” comment ng isang netizen.

Meron rin nakapansin na palaging nega ang mga sinusulat nito tungkol kay Angel at pati na rin sa kaibigan nitong si Bea na recently nga ay lumipat sa Kapuso network.

“Mahirap bang maging masaya ka na lang kay Angel at Neil? Happy sila eh pati ang mga tao happy rin kasal nila. Ikaw lang yata ang nagreact n’yan eh! Palagi ka na lang nega sa kay Angel pati kay Bea! Haha.. Mas lalong masaya love life nila pati career,” comment rin ng isa pang supporter ni Angel.

Ngunit tila bumawi si Manay Lolit sa panibago nitong post tungkol sa iba’t ibang preference ng mga tao sa pagdedesisyon sa buhay.

Ayon sa kanya, may sari-sariling standard ang tao sa beauty at happiness. Same goes with preparation sa pagpapakasal. Hinalintulad nga nito ang kasal ni Ara Mina at Angel Locsin na magkaiba man ng paraan ng pagpapakasal, ang mahalaga ay parehas silang naging masaya.

“Pero sa mga pinili nila, parehong naging maligaya sila Ara Mina at Angel Locsin, dahil iyon na ang standard na pinili nila.

“Kanya kanyang trip, kanya kanyang gusto. Basta kung saan ka happy, duon ka. Kung saan ang inaakala mo magpapaligaya sa iyo, iyon ang gawin mong goal,” saad niya.

“Responsibility mo sa sarili mo iyon kaligayahan mo, your happiness is your own choice, ikaw lang ang makapagsasabi kung saan at ano ang ikaliligaya mo.

“So, whatever it is that will make you happy, pursue , work for it. Make your life happy, dahil short lang ang buhay. Dapat happy ka bawat araw para naman hindi sayang ang life mo.

“Gusto mo ba, half of your life sad ka? Dapat kahit may problema ka, magaan lang ang pagdadala mo, dahil ang bawat oras sa buhay natin importante, dapat happy,” pagpapaliwanag niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami naman ang natuwa sa sinabi ni Manay Lolit at sana raw ay tantanan na nito ang kanegahan dahil tumatanda na raw siya at mas maganda kung puro good vibes na lang ang isipin kaysa maging bitter.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending