Lolit iniimbitahan si Kylie sa kanilang programa; Naniniwalang mali si Aljur sa mga salitang binitiwan niya | Bandera

Lolit iniimbitahan si Kylie sa kanilang programa; Naniniwalang mali si Aljur sa mga salitang binitiwan niya

Therese Arceo |October 23,2021
facebook
share this

Lolit iniimbitahan si Kylie sa kanilang programa; Naniniwalang mali si Aljur sa mga salitang binitiwan niya

Therese Arceo - October 23, 2021 - 06:57 PM

Lolit iniimbitahan si Kylie sa kanilang programa; Naniniwalang mali si Aljur sa mga salitang binitiwan niya

ILANG araw na ngang laman ng balita ang mag-asawang sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang katotohanan ukol sa kanilang paghihiwalay.

Marami na rin ang nadamay sa kontrobersyang nagsanga-sanga na at napakarami na ngang naging involved.

Ang latest na ganap ay ang sagutan nina Kylie at ng kolumnistang si Cristy Fermin.

Kaya naman pati si Manay Lolit Solis sy naglabas na rin ng pahayag lalo na ay involved na rin ang kaibigang si Cristy.

Sa kanyang Instagram account ay isinulat nito ang nais sabihin kay Kylie.

“Sure ako na maiintindihan ni Cristy Fermin iyon outburst ng galit ni Kylie Padilla. Iyon parang sagot niya sa mga issue na inilalabas ni Aljur Abrenica,” umpisa ni Manay Lolit.

Aniya, ang naging statement ni Kylie ay parang “warning sign” o paramdam kay Aljur na kung hindi siya titigil ay may mga ilalabas pang alas si Kylie.

“Pinaka masakit na bintang sa isang babae na may asawa iyon sinabi ni Aljur, na nag cheat si Kylie. Kaya siguro di narin napigilan si Kylie na sumagot , pero sure ako na ready din siya na magbigay paliwanag kay Cristy,” pagpapatuloy ng kolumnista at talent manager.

For sure raw ay galit at apektado si Kylie ngunit naniniwala siya na alam ni Kylie na trabaho ng isang manunulat ang hanapin ang totoo.

“Kung sinulat man ang issue ni Aljur, bukas din ang radio at column ni Cristy para sa panig ni Kylie. Walang personalan sa mga issue, iyon kung ano lang makarating sa amin at gusto ipaliwanag,” dagdag pa ni Lolit.

Inimbitahan rin ng kolumnista at talent manager ang aktres sa kanilang programa upang maglahad ng side niya ukol sa isyu.

“Kung gusto mo Kylie, bukas ang TIPM (Take It Per Minute) Me Ganun anytime for your story. Huwag mo isipin na meron kami kinakampihan. Mas gusto namin maging maligaya kayo kasama ng mga anak nyo, huwag padala sa init ng ulo. Cool lang,” mensahe ni Lolit kay Kylie.

Muli rin nitong sinabi na mali raw umano ang mga salitang ginamit ni Aljur laban sa asawa pero kahit na ganon ay naniniwala siyang ang dalawa lamang ang makakalutas sa problema nila.

“Pero para sa akin, mali ang mga salitang ginamit ni Aljur. Hindi bagay sabihin sa asawa mo, kay Kylie. Pero kayo lang dalawa ang lulutas nito, at sana, gor the good of your kids. Peace.”

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit binanatan na naman ng bashers matapos magkomento sa kasalang Angel-Neil
Kylie naubos raw ang savings; Aljur may utang pa kay Kylie?

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending