Kylie Padilla may inamin kay BB Gandanghari: Ang hirap magpakatotoo

Kylie Padilla at BB Gandanghari
ISA sa mga inalala at naging concern pala ni BB Gandanghari nang mag-transition siya bilang transwoman ay ang kanyang mga pamangkin.
Nakachikahan ni BB at ang isa niyang pamangkin (kay Sen. Robin Padilla) na si Kylie Padilla sa latest episode ng kanyang online talkshow na “BB. talk.”
Dito nga nila napag-usapan ang naging desisyon ni BB, na nakilala noon bilang Rustom Padilla, na ibandera sa buong universe ang pagiging transgender woman.
Tanong ni BB kay Kylie, “Ano’ng naging feeling mo when I finally transitioned? We never talked about this, so I’m very curious about your reaction.”
Sagot sa kanya ng Kapuso actress, “You know my first, honest, real reaction, ‘Oh, my God. I’m so proud!'”
“Kasi may ganoon din ako na ang hirap magpakatotoo… ang hirap hanapin ‘yung sarili mo. I didn’t know how to voice out who I am, especially at 17, you’re only discovering who you are.
“And then someone in my family was going through something like this and was brave enough to be who they truly are and say it to the public, it was very inspiring for me. Hindi ko nga alam kung bakit,” pahayag pa ng aktres.
View this post on Instagram
Dugtong pa ni Kylie, “I’m happy for (BB Gandanghari). At least ngayon, she can be herself now.
Dito na nga umamin ang kapatid ni Robin na may takot siya sa magiging reaksiyon ng kanyang mga pamangkin, kabilang na nga si Kylie.
“Ang real concern ko doon was the pamangkins because I don’t want you guys to be confused. I don’t expect you to understand, pero mayroon akong fear na baka ma-confuse. Kayo ‘yung bata. Lahat ‘yan, lahat ng pamangkin.
“But to my great surprise, automatic lahat ng mga nephews and nieces, Tita BB kaagad! Walang gatol, no questions asked, at wala akong naramdaman na parang pushback. Everyone was just embracing Tita BB!” sey pa niya.
Sey naman sa kanya ni Kylie, “I think desire na makita kayo na maging masaya.”
Unang inilantad ni Rustom Padilla ang kanyang tunay na pagkatao nang maging celebrity housemate siya sa “Pinoy Big Brother” noong 2006.
Taong 2009 nang ipinakilala niya sa buong universe si BB Gandanghari at pagsapit ng 2016 legal na ang kanyang bagong identity.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.