BB Gandanghari hindi boto kay Mariel para kay Robin, may ibang nirereto

BB Gandanghari, Robin Padilla at Mariel Rodriguez
HINDI boto ang proud transwoman na si BB Gandanghari kay Mariel Padilla nang maging karelasyon nito ang kapatid niyang si Sen. Robin Padilla.
Iyan ang inamin ni BB sa latest vlog niya sa YouTube kung saan nagkachikahan sila ni Mariel tungkol sa naging buhay at relasyon nila noon bilang mag-sister-in-law.
Unang nakilala ni BB ang TV host nang dalhin ni Robin si Mariel sa bahay ng kapatid nilang si Roda Padilla, “Kasi yun yung first time kaming lahat, ‘May ipapakilala, aba!’ Ganyan kami, di ba? Naku, parang seryoso, ipapakilala!’”
Pag-alala ni BB, yun din yung time ng kanyang transition sa pagiging transgender woman — from Rustom Padilla to BB Gandanghari.
“That time, I must admit, I was really on my transition. Ang daming hormonal imbalances. Ang resulta is too much insecurities. Tapos ang dami pang issues sa pamilya.”
Sey ni Mariel, ramdam na ramdam niya ang naging struggles ni BB sa kanyang pinagdaraanan, “Parang na-feel ko kasi, as you struggled, they struggled too.
“Because, una, hindi nila yun alam, yung transgender. It was like an alien word. And nobody understood what it was,” sabi pa ni Mariel.
View this post on Instagram
Tanong ni BB kung ano ang tingin ng misis ni Robin sa pinagdaraanan niya sa pag-transition niya bilang transwoman, ang sagot ni Mariel, “I have very little, almost no memory of Rustom. The one that I got to really know was BB. Hindi ko kilala si Rustom.”
Binalikan din ni BB yung panahong nakitira siya sa bahay nina Robin at Mariel sa Amerika, “I thought that was an opportunity na hindi ko naintindihan, kasi it could have been fun. Kaya lang, baka emotionally, hindi pa ako ready.”
Sey naman ni Mariel, naiintindihan naman niya ang sitwasyon at pinagdaraanan noon ni BB kaya hindi siya nagtanim ng galit o sama ng loob sa dating aktor.
Hiyang-hiya raw si BB nang magkaroon sila ng out-of-town shoot kung saan present ang lolo at lola ni Marel at iba pa nitong family members. Talaga raw nag-abala noon para sa kanila ang pamilya ng host.
“Doon ako nag-apologize na, ‘Oo, kung puwede ko lang ibalik ang panahon na yon.’ I thought I was really unfair at that time. Kung puwede ko lang baguhin at hindi nangyari iyon,” ani BB
Super na-appreciate raw niya si Mariel nang bisitahin siya nito nang magkasakit siya at naging daan ito para mas maging close sila. At nasundan pa ito nang nang imbitahan siya ni Mariel sa kanilang bahay.
“Nagpunta ako sa bahay niyo. Nag-invite ka. And then nag-apologize ako nu’n. Tapos tinulungan mo na ako sa concert,” sey ni BB kay Mariel na ang tinutukoy ay ang kanyang anti-gravity yoga mini-concert.
Sey ni Mariel, du’n pa nila mas nakilala ang isa’t isa. Pero pagkontra ni BB, “Pero hindi pa rin totally. Nagkakaroon tayo ng moments together, yung tayong dalawa, ganyan.
“But I guess, that time, I don’t know how you perceived me at that time. Pero talagang magulong-magulo ang isip. Hindi ako nakaka-reach out emotionally,” ani BB.
Pero sobrang na-touch ang sisteraka ni Robin nang maramdaman ang sincerity ni Mariel at ang pagiging supportive nito sa kanya. Nagsama pa raw ito ng ilang kaibigan sa concert niya.
“Du’n ko unang nakita na, ‘Oh wow!’ Hindi ko pinapakita, sabi ko sa yo, wala akong emotions at that time. Pero deep inside, I really felt yung, ‘Oh wow, this is something else.’ Na-touch naman ako du’n very, very much,” aniya pa.
Kasunod nito, inamin nga ni BB na hindi siya boto noon kay Mariel nang magpakasal sila ni Robin, “Ito, aaminin ko.
“Siyempre nu’ng nagpakasal kayo ni Robin and all, yung parang, sabi ko, ‘Sigurado ba si Robin diyan?’ Yung parang, alam mo yun, ngayon ko lang sasabihin, meron pa akong feel na parang gusto ko yata para sa kanya (Robin) modelo.”
“Hindi ko maintindihan si Robin. Sabi ko, ‘Nagpakasal ka, hindi pa nga kilala. Gusto kitang ipa-date sa mga kaibigan kong babae. You know what I mean? Like, be out in the world,’” aniya.
“Du’n sa concert, first time ko na, ‘Okay, I think it’s a good choice,’” sabi pa ni BB sa pagpapakasal ni Robin kay Mariel.
Ramdam naman daw ni Mariel na hindi siya type ni BB noong una at, “Medyo sinabi mo rin. Pero iniisip ko talaga, e, ano yung meron ka. Parang ganon yung way that you told me, that you couldn’t understand.”
Diretsahan ding sinabi ni BB na si Mariel ang favorite sister-in-law niya ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.