BB Gandanghari sinita ang maling trato ni Robin sa kanya noon

BB Gandanghari sinita ang maling trato ni Robin sa kanya noon

Therese Arceo - March 08, 2025 - 09:15 PM

BB Gandanghari sinita ang maling trato ni Robin sa kanya noon

AMINADO ang vlogger at kilalang personalidad na si BB Gandanghari na nagkaroon ng pagkakataon sa kanyang buhay na mali ang naging trato sa kanya ng kapatid na si Sen. Robin Padilla.

Sa kanyang latest vlog na in-upload noong Huwebes, March 6, sinabi niyang inakala na raw noon ng actor-politician na isa siyang bakla.

“I remember mayro’n pa kaming usapan ni Robin. Kasi parang feeling ko, he’s treating me as gay,” pagbabaliktanaw ni BB.

Pagpapatuloy pa niya, “Sabi ko, ‘Tol, puwede ka bang makausap?’ Sabi niya, ‘Ano ‘yon?’ Sabi ko, ‘Kasi may problema, parang you’re treating me as gay. I’m not gay. I’m transgender.’”

Baka Bet Mo: BB Gandanghari binatikos dahil sa pagpasok sa mosque, pagsusuot ng ‘hijab’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Amin pa ni BB, tila hindi pa raw naiproseso agad ni Robin ang kanyang kasarian matapos niyang aminin kung ano ang tunay niyang identity.

“Sabi niya, ‘Tol, puwede ba? Nando’n pa lang ako sa gay. Ano na naman ‘yang transgender na ‘yan?’” chika pa niya.

Noong mga panahon na yun ay nalungkot raw talaga si BB sa naging reaksyon ng kapatid.

Pero nagbago naman na daw ito at naging maayos na ang relasyon nilang mag-utol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa katunayan, sa kanyang naging panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay ibinahagi niyang babae na ang turing sa kanya ng kapatid.

“Si Robin at si Rustom, ay brothers so they treat each other as brothers and then ang pinakamalaking pagkakaiba, tinatrato ni Robin si Rustom as kuya. Ngayon ang relasyon ko kay Robin is brother and sister,” saad ni BB.

Dagdag pa niya, “Nire-recognize niya lahat ng iyon. He’s treating me as a sister now more than a brother. And then also, dahil iba na ‘yung personality, tinatrato niya ‘ko bilang mas batang kapatid.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending