Kylie naubos raw ang savings; Aljur may utang pa kay Kylie? | Bandera

Kylie naubos raw ang savings; Aljur may utang pa kay Kylie?

Reggee Bonoan |October 23,2021
facebook
share this

Kylie naubos raw ang savings; Aljur may utang pa kay Kylie?

Reggee Bonoan - October 23, 2021 - 04:33 PM

Kylie naubos raw ang savings; Aljur may utang pa kay Kylie?

KYLIE PADILLA AT ALJUR ABRENICA

NABENTA na kaya ni Aljur Abrenica ang bahay nila ni Kylie Padilla sa may Scout Fuentebella, Quezon City na nabili niya noon sa radio personality na si Kaye Dacer? At nabayaran na rin kaya ng aktor ang outstanding balance niyang P1.3M na hinaing ng dating may-ari ng bahay?

Anyway, kaya namin ito nabanggit ay dahil ito ang topic nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama sina Tita Jegs at Dyosa Pockoh sa Showbiz Update YouTube channel. Curious ang mga ito kung nabenta na ba ang bahay at kung pinaghatian na ng dalawa ang napagbentahan.

Sabi ni Ogie, “Nu’ng pumasyal ako dati sa bahay ni Aljur at nakita ko si Kylie. Sobrang abala si Kylie sa pag-aalaga ng mga bata. Tama naman si Kylie parang napagod ‘yung katawan niya dahil magkasunod na taon, e, nanganak siya.

“So that time hindi ko alam kung naibenta na ni Aljur ‘yung bahay dito sa Scout. ‘Yung bahay na ‘yun nabili niya kay Kaye Dacer tapos binebenta ni Aljur kaya nu’ng nakita ko ‘yung bahay ni Aljur okay naman siya.

“Sabi ko konting renovation lang para mas maganda ang presyo. Hindi ko lang alam for now kung naibenta na ba at napaghatian na nila (ni Kylie).”

Balik-tanong ni mama Loi, “Tingin mo ‘nay nu’ng time na binebenta ‘yun on the rocks na ‘yung dalawa (Aljur at Kylie) parang pangitain?”

Mabilis na sagot ng talent manager cum vlogger, “Hindi, nandoon pa si Kylie, eh.”

Dagdag pa, “mayroon lang nagtsika sa akin na na-shock siya dahil naubos daw ‘yung savings ni Kylie.”

Nagulat sina mama Loi, tita Jegs at Dyosa Pockoh.

“Baka ‘yan ‘yung sinasabi ng pinsan ‘nay?” sambit naman ng co-host ni Ogie.

Ang sinasabing pinsan ay ang nangangalang Princess Paulino na hindi mahanap ang social media account pero nag-post siya na may utang si Aljur kay Kylie at ang huli rin ang gumagastos sa kanila kapag walang maiabot ang aktor.

Sa pagpapatuloy ni Ogie, “mayroon kasi kaming common friend ni Kylie na na-shock siya na mayroon pang P6 million si Kylie parang depleting talaga ‘yung savings niya.

“So, parang nu’ng tinanong si Kylie, ‘ano bang nangyari?’ Bakit ganito na lang ang pera mo? E, kasi nga kinakapos sila ni Aljur kaya siya ‘yung bumubunot, so, konting-konti na lang ang pera ni Kylie.”

“So, kung si Kylie ‘yung bunot ng bunot, ibig sabihin walang binubunot si Aljur?” tanong ni mama Loi.

Idinaan sa biro ng talent manager, “naku, ikaw nagsabi niyan ha? Hindi ako!”

“Ako nga nagsabi pero ikaw naman ang maku-quote, ha, ha, ha,” tumatawang sabi ng katabing host.

“Ako naman ang maba-bash (sabay pikit ng mata) kakaloka, “tumawa ring sabi ni Ogie.

Say pa, “hintayin natin si Kylie kung totoo ban a from like P6 million ay wala na siyang pera nu’ng umalis kay Aljur.

“E, hindi naman natin siyempre puwedeng husgahan si Aljur na wala siyang ginagastos bilang padre de pamilya di ba? Kasi that time kasama ko siya sa Sandugo (serye -2019), so kumikita pa si Aljur,”balik-tanaw ni Ogie bilang isa rin siyang aktor.

“Oo, saka di ba ngayong taon mayroon siyang mga ginawang pelikula? Naka ilang lock-in siya?” saad ni mama Loi.

“Yeah, so abangan natin ‘yan kung anong latest diyan (dahil) araw-araw naman po may bago,” saad ni Ogie.

“Ha, araw-araw may pasabog kaya happy ang mga Mosang (tsismosa),” natawang sabi ni mama Loi.

“Pero ako bilang magulang hindi ako happy na ganyan ang nangyayari sa parents kawawa yung mga bata talaga. Ay naku, mag-isip kayong (Aljur at Kylie) mabuti pramis!” diin ni Ogie.

Anyway, bukas ang BANDERA para kina Aljur at Kylie.

Related chika:
‘Si Kylie pa rin ang nag-iisang reyna sa buhay ni Aljur’
JM de Guzman, third party nga ba sa hiwalayang Aljur at Kylie?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending