JM de Guzman, third party nga ba sa hiwalayang Aljur at Kylie? | Bandera

JM de Guzman, third party nga ba sa hiwalayang Aljur at Kylie?

Therese Arceo |July 14,2021
facebook
share this

JM de Guzman, third party nga ba sa hiwalayang Aljur at Kylie?

Therese Arceo - July 14, 2021 - 01:43 PM

HANGGANG ngayon, usap-usapan pa rin kung sino o ano nga ba talaga ang dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Magmula nang kumpirmahin ni Robin Padilla sa vlog ni Ogie Diaz na hiwalay na ang anak na si Kylie kay Aljur dahil sa “third party”, maraming pangalan ang naglabasan na posibleng dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Sa recent Instagram post ni Kylie kung saan makikita siyang nasa field na may caption na, “Beth’s shoes are heavy”, may isang netizen ang nagkomento at nagtanong kung ano ang dahilan ng hiwalayan nila ni Aljur.

“Totoo po ba na kaya mo iniwan si aljur dahil high maintenance ka po at di afford ni aljur luho mo? Tapos po maraming mayayaman ang nanliligaw sa you patu mga artista at isa dun si @1migueldeguzman yun po kasi ang sabi ni Xian Gaza eh salamat po,” ang comment ng netizen.

Agad namang pinabulaanan ni Kylie ang mga ito at sinagot ang netizen ng, “Magkaibigan lang kami ni JM. This is not true.”

Kinuyog naman ng mga tagasuporta ni Kylie ang nasabing netizen.

“C kylie nakipaghiwalay ay Aljur, maybe napuno na c kylie sa mga pang loloko ni aljur sknya. bt kapa mag stay kung p ulit2x nlang ginagawa sayo ng tao. maliit lng ang buhay ng tao kaya wag sayangin ang oras mo sa taong toxic.”

“Ghurl watch ur word dummy acct kaman mate trace ka parin baka dimo alam pwd kang makasuhan as cyberbullying ans tagapakalat ng fakenews. ghurl linisin mo muna bakuran mo bago sa iba. We dont know the real story behind them even 1/4 of it. Gets? Matanong ko nga magkadikit ba kau ni kylie at alam mo lahat ng galaw?? My God wake up girl!! is that ur purpose for being here in the earth?? To spread false news (no solid evidence)?”

“It’s shocking that u even believe him despite his reputation? All the stuff he said are ridiculous and false.”

Matatandaan na kinasuhan noon si Xian Gaza dahil sa “investment scam” at na-link rin sa mga sikat na celebrities tulad ni Ella Cruz na agad namang itinanggi ng dalaga at sinabing naging mag-business partners lamang sila.

Sa kabila ng mga ispekulasyon, marami pa ring mga netizens ang umaasa na sana ay magkabalikan sina Aljur at Kylie at patuloy na nagdarasal na malagpasan nilang mag-asawa ang pagsubok na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod pa rito, may mga netizens rin na talaga namang excited sa comeback sa pag-arte ni Kylie bilang Beth.

Matatandaan na nag-post noong Mayo si Kylie sa kanyang Instagram account ng isang photo na tila script na kanyang binabasa para sa isang project.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending