Lolit Solis nagbabala sa mga mang-aapi sa kanyang talents: Lalabanan ko pa rin ang mga gustong pumapel at magyabang diyan | Bandera

Lolit Solis nagbabala sa mga mang-aapi sa kanyang talents: Lalabanan ko pa rin ang mga gustong pumapel at magyabang diyan

Reggee Bonoan |August 17,2022
facebook
share this

Lolit Solis nagbabala sa mga mang-aapi sa kanyang talents: Lalabanan ko pa rin ang mga gustong pumapel at magyabang diyan

Reggee Bonoan - August 17, 2022 - 03:17 PM

Lolit Solis nagbabala sa mga mang-aapi sa kanyang talents: Lalabanan ko pa rin ang mga gustong pumapel at magyabang diyan

KAHIT nasa Dialysis Center ang kilalang talent manager na si Manay Lolit Solis ay hindi pa rin niya nakakalimutang mag-update sa kanyang Instagram account tungkol sa mga kilalang personalidad.

Isa si Heart Evangelista sa hinahangaan ng pamosong manager.

Aniya, “Isang hahangaan mo kay Heart Evangelista Salve iyon pagiging head on niya sa mga intriga. Talagang hinaharap niya lahat ng issues ng hindi pa baby effect.

“Talagang kita mo ang strength ng character niya sa pag handle ng problema. Very good example siya ng isang star na hindi nawawala ang poise pagdating sa issues kaya naman lahat gusto siya kausapin,” papuri ni Manay kay Heart

Aniya pa, “Kasi matalino siyang sumagot, hindi maarte, hindi pa baby na ma eklay. Very intelligent at smart. No wonder hindi nawawala si Heart kahit hindi active, dahil may sarili na siyang level as a celebrity.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

 

“Isa pang plus factor niya iyon matalino siya kaya naha handle niya ang mga bagay na dumarating sa kanya. Bongga ka Heart Evangelista, kaya up to now top celebrity ka, hah hah precious heart talaga,” sabi pa ng talent manager at kolumnista.

Nagbigay din ng pahayag si Manay Lolit sa mga taong inakalang hindi na niya kayang idepensa ang sarili at ang mga alaga niya.

“Natatawa ako dahil baka akala ng iba dahil nagkasakit ako wala na ako sa fighting form. Naku noh, kahit nagkaruon ako ng sakit umaandar parin ang utak ko at hindi puwede apihin ng kahit sino. Up to now, ako parin si Lolit Solis iyon confrontational, at what you see is what you get type of person.

“Natawa ako dahil para bang akala ng iba wala na ako sa sitwasyon na puwede sumagot sa mga kagagahan ng iba. O iyon hindi na ako puwede makipaglaban para sa mga alaga ko.

“Hoy, hindi n’yo parin sila kayang apihin noh, andito pa ako. Lalabanan ko parin iyon mga gusto pumapel at magyabang na kaya nila ako apihin.

“Still in fighting form, ready for battle. At nandiyan parin sila Salve at Gorgy na hindi papayag na apihin nyo ako, hah hah hah team LS, bongga,” sabi pa niya.

Nananatiling naka-off ang comments section ng IG account ni Manay Lolit para siguro hindi siya ma-stress sa pagbabasa ng sasabihin ng ilang netizens na hindi siya gusto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Lolit Solis tinawag na ‘lola’ si Bea Alonzo: Mas mukhang bata si Marian Rivera

Lolit Solis muling nag-post ukol sa kaibigang si Cristy Fermin: Konting ‘punit’ pero hindi naman warak na warak

Lolit Solis kinumpirmang buwag na ang online tandem nila ni Cristy Fermin: Pupunta siya sa mas masayang lugar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending