Lolit Solis kinumpirmang buwag na ang online tandem nila ni Cristy Fermin: Pupunta siya sa mas masayang lugar | Bandera

Lolit Solis kinumpirmang buwag na ang online tandem nila ni Cristy Fermin: Pupunta siya sa mas masayang lugar

Reggee Bonoan |March 06,2022
facebook
share this

Lolit Solis kinumpirmang buwag na ang online tandem nila ni Cristy Fermin: Pupunta siya sa mas masayang lugar

Reggee Bonoan - March 06, 2022 - 08:04 AM

Cristy Fermin at Lolit Solis

SA nakaraang episode ng “Take It Per Minute…Me Ganun” Facebook Live show nina Nay Cristy Fermin, Mr. Fu at Manay Lolit Solis nu’ng Martes, March 2 ay nagkakabiruan ang tatlo na huling episode na nila iyon.

Nabanggit pa ni Manay Lolit na mami-miss niya ang Obra Ni Nanay, ang gallery kung saan ginaganap ang weekly show nila na pag-aari ni ‘Nay Cristy.

Tinanong namin ang line producer ng online show ng tatlo na si Salve Asis at itinanggi naman niyang mawawala ito. Pero sa Instagram post ni Manay Lolit nitong Sabado ay nagpaalam na siya.

Ang caption niya sa larawan nilang tatlo nina Nay Cristy at Mr. Fu, “Parting is such a sweet sorrow talaga. Hindi ko maisip na after 3 years na parang bahay ko na ang Obra ni Nanay Gallery every Tuesday ng 12/1 ng hapon bigla ay mahihinto iyon.

“Ang nakasanayan ko ng sila Richie, PJ, Japs Gersin at Tina Roa bigla hindi ko na makikita. Iyon alam na alam mo na ang bawat sulok ng Obra ni Nanay tapos hindi mo na ito pupuntahan pag Tuesday. May suntok sa dibdib talaga.

“Pero it was a very beautiful 3 years na nakatanim na sa memory file ng utak at puso mo. At mas maganda nga na iyon masasayang alaala ng 3 taon ang lagi sa puso mo, at naghiwalay kayong lahat ng best of friends. 

“May kanya kanya din kasing journey sa buhay na sinusunod kahit best of friends, like mas masaya siya duon, at masaya na ako dito, pero friends pa rin kayo. 

“Siguro nga naging daan lang ang digital show namin na Take it… para mas tumibay friendship namin nila Cristy at Mr. Fu. After 3 years very close na kami, hah hah hah,” aniya pa.

At dito inamin ni Manay Lolit na hindi na nila makakasama si ‘Nay Cristy dahil may iba na itong gagawin samantalang sila ni Mr. Fu ay muling magkasama.

“Now meron na kami mga bagong journey na naman, na sana tulad ng pagtangkilik ninyo sa Take it, mahalin din ninyo at laging sundan. 

“Pupunta sa mas masayang lugar si Cristy, sasamahan ko si Mr. Fu makikita n’yo pa rin kami ewan ko kay Salve, join si Gorgy kung saan, anong oras at araw, at kung paano, hah hah hah blind follower lang ako na isang kaladkarin kahit saan dalhin sumasama.

“Basta lahat kami watch ninyo, kayo na bahala. Sana lahat tayo laging happy at safe, promise ninyo, follow nyo rin kami ha,” sabi ni Manay Lolit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa kami sinagot ni Japs Gersin na kanang kamay ni Nanay Cristy.

Lolit, Cristy Mr. Fu humirit ng mamahaling cellphone kay Willie Revillame

Billy tinawag ni Cristy Fermin ng ‘Bully Crawford’; nanawagang itigil na ang ‘LOL’

Lolit binanatan na naman ng bashers matapos magkomento sa kasalang Angel-Neil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending