Philip Salvador na-bash nang bongga matapos tumalak sa NAIA

Philip Salvador na-bash nang bongga matapos tumalak sa NAIA

Reggee Bonoan - March 12, 2025 - 09:22 PM

Philip Salvador na-bash nang bongga matapos tumalak sa NAIA

HINDI napabilib ng aktor na si Philip Salvador na kumakandidatong senador ang taumbayan nang magtatalak siya sa NAIA kahapon nang arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Gets naman na ng lahat na Duterte supporter si Kuya Ipe at sa katunayan ay nasa ilalim siya ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) kasama niya ang mga senador na sina Bato dela Rosa, Bong Go at Robin Padilla.

Gustong iparamdam at ipakita ng dating aktor ang kanyang pagmamahal kay PRRD kaya galit nag alit siya kahapon ng arestuhin ang dating pangulo pagdating ng NAIA galing Hongkong.

Base sa report ni Nanay Cristy Fermin sa “Cristy Ferminute” program nil ani Romel Chika sa One PH YouTube channel at 105.9 FM radio ay kaliwa’t kanan ang bashing kay Philip ng netizens.

Baka Bet Mo: Mark Leviste binura ang larawan nila ni Philip Salvador matapos kuyugin ng fans ni Kris Aquino

“Hindi tumitigil ang pamba-bash ngayon kay Philip Salvador dahil sa naganap po kahapon sa airport habang ang mga media po ay nandoon at inaabangan ang pagdating ng dating pangulong Rodrigo Duterte.

“E, kasi naman nga kitang-kita po natin siguro na ‘yung itsura ni kuya Ipe habang naroon ’yung mga abogado nga ng dating pangulo ay parang okay-okay lang pero siya (Phillip) talaga, ‘may kamera ka na, asan ang warrant of arrest!(pinakita ang video). Alam mo para siyang gumagawa ng pelikula, di ba?” kuwento ni ‘nay Cristy sa radyo.

Say naman ni Romel Chika, “marami nga po nagsabi na parang umartista siya sa eksenang ‘yan.”

Hirit ni ‘nay Cristy, “acting na acting nga, sobra!”

“Opo ang emosyon niya (Ipe) na dapat kalmado ay tension na tension siya na parang sa kanya manggagaling ang huling salita para matapos na (gusot),” say naman ni Romel Chika.

“At saka ‘yung (hinahanap) ang warrant of arrest. Ang dami nan gang paliwanag bakit hahanapin ang warrant of arrest ng isang Philip Salvador? Ang mga abogado nga ay kalmadong-kalmado pero eto siya talaga, kulang na lang hawiin niya ‘yung mga media na nandoon, parang pelikula! Para mo siyang pinanonood sa shooting,” kuwento pa ni ‘nay Cristy.

Binanggit din ni Romel Chika na labas-pasok si kuya Ipe sa loob na tila mediator ang dating.

“Tapos nu’ng binabasahan ng Miranda rights ang dating pangulo, umiiyak naman siya? Ano ba ang gusto niyang mangyari?” sambit pa ng CFM host.

Dagdag pa, “itong si kuya Ipe parang hindi alam ang pinapasok niya, sana nanahimik na lang siya.”

Say ni Romel Chika, “may narinig pa po ako na ‘paano na ang kandidatura?”

“E, kahit naman hindi siya naggaganyan, hindi naman talaga siya mananalo ‘no? Malabo pa sa sabaw ng pusit na manalo si Philip Salvador kaya dinagdagan niya ng ganyan. Kaya kuya Ipe tumingin tayo sa katotohanan, hindi makukuha ‘yan sa pagkuda-kuda mon a nakakunot noo ka na parang gusto mong harumbahin ang mga media na nasa palibot mo, daldal ka nang daldal,” komento ni ‘nay Cristy.

May mga CFMer’s ang nagkomento tungkol sa dating aktor.

“Nakakaloka si Philip as if naman alam niya ang mga nangyayari eme!”

“Nanay, negang-nega po si kuya Ipe sa netizens, ekis na ekis na siya.”

“Masyadong ginalingan ni kuya Ipe ang acting niya, papansin masyado. Kahit anong acting ang gawin mo, pang #75 ka pa rin.”

Marami pang binasa sa ere si ‘nay Cristy na komento ng mga tagapakinig niya at hindi na namin isinulat lahat dahil hindi naman ito makakatulong sa aktor.

Sabin a lang ni ‘nay Cristy, “naiintindihan natin na sila’y magkaka-alyado at malapit siya sa pamilya Duterte lalo na sa dating pangulo, nakita mo naman siguro si senador Bong Go, hindi umakting ng ganyan (tulad) sa ‘yo.

“Ano ang sabi niya (sen Bong Go),’ipanalangin po natin ang kalusugan ng dating pangulo Duterte at kalmado lang po tayo. Abangan na lang po natin kung ano ang magaganap sa mga susunod na oras.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, habang sinusulat namin ang balitang ito ay pawang mga larawan ni PRRD na nasa loob ng eroplano ang ipinakita sa TV Patrol ngayong gabi na tsine-tsek ang blood pressure niya at hinainan din siya ng prutas.

Kaninang umaga, 8AM Marso 12 oras sa Pilipinas nang dumating sa Dubai ang sinasakyan ng dating pangulong Duterte bilang stop over at ipinakitang kumain siya ng tanghalian. At bandang 4PM ngayong hapon ay umalis na ang eroplano at diretso na sa Hague, Netherlands kung saan naka-base ang International Criminal Court o ICC na ididiretso siya sa detention cell kung saan siya mananatili habang dinidinig ang kasong Crimes against Humanity kaugnay sa mga extra judicial killings na naging resulta ng war on drugs.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending