Cristy Fermin ‘natunaw’ sa mensahe ng taong nakasamaan ng loob, the who kaya?
PALAISIPAN sa tagasubaybay ng Cristy Ferminute radio program nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika kung sino ang nagpadala ng mensahe sa una at nakikipagbati na.
Bago magpaalam ang dalawa sa programa nilang CFM kaninang tanghali ay may binasa ang una na pinadalang mensahe sa kanya na humihingi oras na mag-usap sila.
Simula ni Nay Cristy, “Bago po kami magpaalam ay may babasahin akong text na pakihula na lang po kung sino ang nagpadala sa akin. Alam ito nina Romel, Wendel, at ni Direk Jet.”
Unang linya palang na binasa ng host sa mensahe ay nahulaan na naming kaagad kung sino pero hindi na naming muna babanggitin ang pangalan dahil hahayaan namin ang host ang magsabi.
Baka Bet Mo: Cristy Fermin sa rape case ni Mayor Roque: ‘Kwentong kabalbalan!’
“Magandang hapon po ‘nay o baka ayaw mo nang patawag ng nanay pero wala kang magagawa nanay pa rin ang itatawag ko sa ‘yo.
“Kapag nabawasan na ang inis mo sa akin at makakita ka na ng kahit isang siwang lang para makapag-usap tayo (ay) sabihan mo ako ‘nay, wala kang maririnig o mababasa mula sa akin pagdating sa iyo. Hindi iyon dahil sa takot o sa istratehiya ‘yan ay tinatawag na pagmamahal.”
Napabuntong hininga si ‘nay Cristy.
Nakatawang tanong ni Romel Chika, “So, paano?”
“Tunaw!” sagot kaagad ni ‘nay Cristy, “tunaw na parang tsokolate ang aking puso.”
“True di ba?” tumatawang sabi ulit ni Romel Chika.
At ang sagot ni ‘nay Cristy sa nagpadala ng mensahe, “kailanman ay hindi kita itinakwil, ang mali ay mali na dapat itama pero hindi kita maaring itakwil mahal din kita.”
Tinanong namin si ‘nay Cristy kung sino ang nagpadala pero nagbanggit na kami ng pangalan kung siya nga.
“Anak, nagpaliwanag siya at nakinig ako. Sino ba naman ako para hindi magpatawad? Ang dami ko ring nagagawang sobra at kulang,” sagot sa amin ni ‘nay Cristy.
At tulad nga ng nasabi namin na hindi namin papangalanan kung sino ito dahil kuwento ito ng CFM host kaya abangan na lang isa sa mga araw na ito dahil tiyak na makukuwento rin niya ito sa programa o kaya sa vlog nilang Showbiz Now Na kasama sina Wendel at Romel Chika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.