'Nay Cristy sa rape case ni Mayor Roque: 'Kuwentong kabalbalan!'

Cristy Fermin sa rape case ni Mayor Roque: ‘Kwentong kabalbalan!’

Reggee Bonoan - December 20, 2024 - 04:27 PM

Cristy Fermin sa rape case ni Mayor Roque: 'Isang kuwentong kabalbalan!'

Cristy Fermin, Pandi Mayor Enrico Roque

Trigger Warning: Mentions of rape.

MUKHANG hindi totoo ang bintang kay Pandi Mayor Enrico Roque ng kasong rape dahil ang sinasabing pangalan ng babae at address sa Caloocan City ay hindi matagpuan.

Base sa report ni Nanay Cristy Fermin sa programang “Cristy Ferminute” sa True FM 105.9 sa Mega Manila kaninang tanghali, December 20, ay pinadalhan siya ng dokumento tungkol dito.

“Hawak ko po ang certification mula sa Barangay tungkol sa kasong isinampa laban kay Mayor Enrico Roque at sa dalawa niyang kasama na ipinipilit na siya ay may bahay daw po dito sa Bagong Silang, Caloocan, wala po ‘yun.

“At pati po ‘yung tinatawag nilang Mikaela Mariano ay wala rin pong nakitang address ‘yung 1097 Langit Road Barangay 188, non-existent ‘yun, hindi totoo ‘yun!

Baka Bet Mo: Vice Ganda binalikan ang rape joke kay Jessica Soho: They hate me…

“Pati ‘yung bahay ni Mayor Enrico Roque gino-Google Philippines na, baka world wala rin kaya ito po ay isang kuwento ng kabalbalan, walang babaeng nakatira sa barangay at walang ganu’n address,” base sa binasang dokumento ng CFM host.

Dagdag pa, “Cannot located within the vicinity of this barangay as per verification conducted by Barangay Tanod executive officer Luisito De Guzman this December 19, 2024.

“So, wala po. Walang ganitong address, wala rin ‘yung babae, wala ring bahay si Mayor Enrico diyan sa Bagong Silang. Ano po ang ibig sabihin niyan, ‘di ba?  Kaya abang-abang na lang tayo.

“Maaring ilang hinga, ilang pikit at matatapos na rin po ang problemang ito, nakakaloka lang po.

“Kung ito’y fake news, napakasakit na fake news! Kung ito’y biro, napakasakit na biro! At kung ito’y politically motivated, napakasakit nito. May mga tao talaga na gusto lang gumawa ng gulo.”

Komento naman ng mga tagapakinig ng Cristy Ferminute na binasa ni ‘nay Cristy, “Talagang politika ‘yan kasi landslide winner si mayor Enrico Roque.

“Demolition job for Mayor Enrico Roque unsuccessful, isip pa more ng putik na ipupukol para masira ang imahe na ang matinong tao na naglilingkod lang ng tapat sa taumbayan.”

Nabanggit pa ni ‘nay Cristy na mahal ng taga-showbiz si mayor Roque dahil sa magandang imaheng pinuhunan niya.

“Di ba ang kaso binuhay after 5 years at mali-mali pa ang facts na nilagay. Isip-isip naman ng konti medyo mag-research naman kayo para tumumpak-tumpak naman ang mga bintang n’yo!” sey niya.

Ani pa ng batikang kolumnista, “Nag-rally na ba ang mga Pandienos sa tapat ng munisipyo bilang suporta kay Mayor Enrico Roque, walang naniniwala (at) kami ni Romel (chika) hindi rin kami nanininwala.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

As of now ay nag-file na raw ng Motion to Quash ang legal counsel ng alkalde ng Pandi at abangan ang mga susunod na pangyayari.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending