Karla boldyak sa fiancée ng ex-BF: Nanahimik ako! Wag mo damay work ko!
MUKHANG palaban at handang makipagbardagulan anytime ang fiancée ng dating karelasyon ni Karla Estrada na si Jam Ignacio.
Pinag-uusapan ngayon ng mga netizen ang Instagram story ang partner ni Jam na si Jellie Aw kung saan diretsahan niyang binanggit ang pangalan ni Karla.
Walang masyadong detalye ang IG post ni Jellie, ngunit kung susumahin ang kanyang hugot post, tila may ginawa umano si Karla na nakaapekto sa kanyang trabaho.
Baka Bet Mo: Gardo Versoza miss na miss na si Jaclyn Jose: Dalaw ka sa akin anytime!
Ang post ni Jellie, “Karla Estrada nanahimik ako! wag mo damay work ko (emoji) nanahimik ako mommy (emoji),” aniya.
View this post on Instagram
Wala na itong kasunod na post kaya naman kanya-kanyang hula ang mga netizens kung ano ang pinanggagalingan ng patutsada ng fiancée ni Jam laban sa nanay ni Daniel Padilla.
Matatandaang noong November 11, 2024 ay ibinandera ni Jam sa social media ang mga litrato nila ni Jellie na kuha sa kanyang birthday celebration.
Dito, isinabay na rin ng dating partner ni Karla ang kanyang wedding proposal kay Jellie.
August, 2024 naman nang unang isinapubliko ni Jam na may bago na siyang partner pagkatapos ng hiwalayan nila ni Karla noong 2023.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang aktres at TV host tungkol sa dahilan ng break-up nila ni Jam.
Habang isinusulat namin ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na reaksyon si Karla tungkol sa IG story ni Jellie. Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ng nanay ni DJ hinggil sa isyung ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.