Jellie Aw hindi iaatras ang kaso kay Jam: Ano siya sinuswerte?!

Jellie Aw hindi iaatras ang kaso kay Jam Ignacio: Ano siya sinuswerte?!

Ervin Santiago - March 12, 2025 - 12:35 AM

Jellie Aw hindi iaatras ang kaso kay Jam Ignacio: Ano siya sinuswerte?!

Jellie Aw at Jam Ignacio

“OO, MAHAL natin pero sobrang mali ang manakit. Babae tayo may karapatan tayo!” ang hugot ni DJ Jellie Aw sa ginawang pambubugbog umano sa kanya ng ex-fiancé na si Jam Ignacio.

Nilinaw ng content creator ang balitang iaatras na raw niya ang mga kasong isinampa niya laban kay Jam matapos ang mapait na sinapit sa kamay ng dati niyang boyfriend.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, ipinost ni Jellie ang paglilinaw hinggil sa mga reklamong inihain niya sa National Bureau of Investigation (NBI).

“Sa mga nagtatanong YES po tuloy n tuloy ang KASO! d pedeng ganon2x nlng! ano sya sinuswerte?

“Alm ko mdming sinsaktn jn natatkot lng magsumbong at mahal ksi nila,oo mahal ntin pero sobrang MALI MANAKIT. BABAE tyo my krapatan tayo!” ang mensahe ni Jellie Aw.

Bukod dito, pinabulaanan din ni Jellie  ang isang Facebook post na nagsasabing posible niyang patawarin ang dating fiancé sa kabila ng mga ginawa sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa kanyang Instagram Story ipinost ni Jellie ang screenshot ng nasabing FB post na naka-quote sa kanya na may kaugnayan sa pagpapatawad. Kalakip nito ang litrato ng DJ na bugbog-sarado ang mukha.

Mababasa sa quote card na sinabi umano ni Jellie Aw, “Kung talagang nagsisisi at magbabago bakit hindi diba? Ganon naman kapag nagmamahal, lulunukin mo yung ego and pride mo just to be happy.”

Kinondena ito ng totoong Jellie Aw sa kanyang Instagram at sinabing, “GALING NG GUMAWA NETO! PALAKPAKAN SA MUKA!”

Mukhang naka-move on na nga si Jellie sa breakup nila ni Jam dahil balik-trabaho na siya matapos gumaling at maghilom ang mga sugat at pasa niya sa mukha.

Nag-post din siya sa kanyang Instagram Story ng screenshot ng ipinadalang message sa kanya ni Jam. Narito ang laman ng sulat ng dating boyfriend ni Karla Estrada.

“Kahit kailan hindi kita kayang lokohin.

“Miski kumausap nang iba hindi ko kaya gawin yan sayo. Bakit mo ako ginaganito.

“Nag mamakaawa ako sayo. Pinipilit ko na maging maayos tayo. Maging maayos tong relasyon natin.

“Nangangarap ako para satin. Para sa pamilya mo na tinuturing ko na din pamilya.

“Bakit mo ako ginaganito.

“Bakit?

“Cge lang jellie.

“Cge lang.

“Hindi ko na alam. Hindi ko na alam.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey naman ni Jellie sa caption ng kanyang post, “Ano gagawin ko @jamignacio?”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending