Jam Ignacio todo suyo kay Jellie Aw: ‘Nagmamakaawa ako sa’yo…’

PHOTO: Facebook/Jellie Aw
Trigger Warning: Violence
MUKHANG gustong makipagbalikan ni Jam Ignacio sa dating fiancee na DJ-content creator na si Jellie Aw.
Hindi na naabutan ng BANDERA ang Instagram Stories ni Jellie, pero maraming netizens at ilang media sites ang nag-reshare ng post niya.
Makikita ang screenshot ng naging message ni Jam sa content creator at mababasa na tila sinusuyo niya ito at kinukumbinsing magkaayos sila.
Baka Bet Mo: Jam Ignacio nagtatago na nga ba matapos kasuhan ni Jellie Aw sa NBI?
Heto ang ilan sa mga PM (personal message) ng binata para kay Jellie:
“Kahit kailan hindi kita kayang lokohin. Miski kumausap nang iba hindi ko kaya gawin yan sayo. Bakit mo ako ginaganito.”
“Nagmamakaawa ako sayo. Pinipilit ko na maging maayos tayo. Maging maayos tong relasyon natin.”
“Nangangarap ako para satin. Para sa pamilya mo na tinuturing ko na din pamilya.”
“Bakit mo ako ginaganito”
Ang tanging caption lang diyan ni Jellie: “Ano gagawin ko,” sabay tag sa username ni Jam, kalakip ang ilang emojis.
Sa ngayon, si Jellie ay nakabalik na sa trabaho at tuluyan nang gumaling mula sa sinapit na pananakit at pambubugbog mula kay Jam.
February 12, ibinahagi ng disk jockey sa social media ang pictures ng kanyang mukha na duguan at bugbog-sarado.
Ayon sa kanya, inatake siya ni Jam habang nasa loob ng kotse.
Kwento pa ng influencer, nagkaroon lamang siya ng pagkakataong makatakas at humingi ng tulong nang hindi nabasa ‘yung RFID sticker sa toll gate.
Nagkaroon ng public apology si Jam at sinabing nais niyang ituloy ang pagpapakasal nila ni Jellie.
Umamin naman si Jellie na mahal pa rin niya si Jam, pero iginiit na ayaw na niyang makipagbalikan at magpakasal.
Si Jam ay dating karelasyon ng batikang aktres at TV host na si Karla Estrada.
Matatandaang si Jellie at Jam ay na-engage noong Nobyembre ng nakaraang taon matapos lamang ang apat na buwang magdyowa.
Samantala, nagsimula naman ang relasyon nina Jam at Karla noong June 2019 at nagtapos noong July 2024.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.