Jam Ignacio nagtatago na nga ba matapos kasuhan ni Jellie Aw?

Jam Ignacio nagtatago na nga ba matapos kasuhan ni Jellie Aw sa NBI?

Ervin Santiago - February 18, 2025 - 01:00 AM

Jam Ignacio nagtatago na nga ba matapos kasuhan ni Jellie Aw sa NBI?

Jam Ignacio at Jellie Aw

MABILIS na umaksyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa reklamong isinampa ng vlogger-DJ na si Jellie Aw laban sa fiancé niyang si Jam Ignacio.

Sa NBI nagtungo si Jellie para pormal na sampahan ng kaukulang kaso si Jam matapos umano siyang bugbugin nito sa loob ng kanilang sasakyan kamakailan.

Base sa ulat, inihayag ni NBI Director Jaime Santiago na agad niyang inatasan ang Violence Against Women and Children Division (VAWCD) na aksyunan agad ang kaso nang magtungo sa kanilang tanggapan si Jellie.

“Inutusan ko agad ang VAWCD noong time na nagreklamo ‘yong DJ na puntahan, kunin, mahuli agad but then ang daming place naming pinuntahan, masyado siyang malikot,” saad ni Santiago sa report ng ABS-CBN.

Dugtong pa ng NBI official, “During that time na kakaganap lang ng krimen, papasok pa sa hot pursuit.

Baka Bet Mo: Jam Ignacio, Jellie Aw ‘nag-date’ muna bago maganap ang bugbugan?

Kasunod nito, nabanggit din ng NBI na maglalabas na sila ng subpoena laban kay Jam Ignacio sakaling hindi pa rin ito sumuko para harapin ang mga reklamo laban sa kanya.

“Pero at this point in time, isa-subpoena na lang siya ng aming VAWCD na pumunta rito, sumurender, magbigay ng statement,” sabi pa ni Santiago.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nauna nang inihayag ni Jellie ang ilang detalye ng pananakit sa kanya umano ni Jam na nagresulta sa pagkabasag ng kanyang mukha dahil sa tindi raw ng ginawa ng ex-boyfriend ni Karla Estrada sa biktima.

Sabi ni Jellie, selos ang naging dahilan kung bakit umabot sa pananakit at pambubugbog ang kanilang relasyon.

“Sobrang seloso po kasi (ni Jam), kahit maliit na bagay lang talagang pinapalaki na. Kahit po sa work ko, kapag may kumakaway sa akin sa gig, nagagalit siya,” ani Jellie.

Muli niyang binalikan ang mga pangyayari nang saktan siya ni Jam sa loob ng sasakyan sa isang panayam.

“Kinukuha niya yung buhok ko, tapos (inuuntog niya yung mukha ko) habang nagda-drive siya. Humahampas po ako sa salamin ng kotse. May parang dugo po sa loob (ng mata ko) tapos yung (baba po ng mata ko) medyo paputok na po, e, kasi medyo napuruhan,” salaysay ni Jellie.

Pumutok rin ang kanyang labi dahil sa pagtama ng kamao ni Jam sa kanya at pati ang kanyang ngipin ay nabasag.

Ito naman ang mensahe niya kay Jam, “Ang message ko lang po sa kanya, madali lang naman magpatawad, e. Pero yung ginawa niya sa akin, hindi ko makakalimutan yon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Iba yung trauma e, ang hirap matulog. Lagi kong naaalala yung ginawa niya sa akin. So, gusto ko lang, Jam, harapin mo yung ginawa mo sa akin,” pahayag pa ni Jellie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending