Gardo miss na miss na si Jaclyn: Dalaw ka sa akin anytime!

Gardo Versoza miss na miss na si Jaclyn Jose: Dalaw ka sa akin anytime!

Ervin Santiago |March 21,2024
facebook
share this

Gardo Versoza miss na miss na si Jaclyn Jose: Dalaw ka sa akin anytime!

Ervin Santiago - March 21, 2024 - 12:10 AM

Gardo Versoza miss na miss na si Jaclyn Jose: Dalaw ka sa akin anytime!

Jaclyn Jose at Gardo Versoza

ILANG araw pa lang ang lumipas matapos maihatid sa kanyang huling hantungan si Jaclyn Jose ay marami na agad ang nakaka-miss sa kanya.

Siguradong ramdam na ramdam na ngayon ng mga taong nagmamahal sa award-winning veteran actress ang kalungkutan at pangungulila dahil sa katotohanang hindi na nila makikita kailanman ang movie icon.

Isa na nga riyan ang aktor at kaibigan ni Jaclyn na si Gardo Versoza na muling nag-post sa kanyang Instagram account ng mensahe niya para sa namaalam na aktres.

Labis ding dinamdam ni Gardo ang biglaang pagkamatay ni Jaclyn noong March 2 habang nag-iisa sa loob ng kanilang bahay matapos atakihin sa puso.

Baka Bet Mo: Marjorie kina Claudine at Greta: It’s just gonna be more peaceful kung hindi bati…

Hindi lang kasi basta katrabaho ang turingan ng dalawa matapos magkasama sa napakaraming proyekto kundi para na rin silang tunay na magkapamilya sa tagal ng pinagsamahan nila.

Sabi nga ni Gardo, game na game siya sakali mang magpakita at dalawin siya ni Jaclyn.

“I’m sure alam mo na ang mga kaganapan abe,  at katawa tawa di ba, pang cannes ang mga performances (laughing, crying at clapping emojis).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Miss kita abe, pag pinayagan ka ni ama dalaw ka lang sa akin anytime. Dami kong blind items sa iyo hehehe.

Baka Bet Mo: Gardo Versoza na-hurt nang mabalitang namatay na siya; asawang si Ivy Vicencio naospital din dahil sa stress

“Labyu abe musta sa mga nanay natin im sure sarap ng kwentuhan nyo dyan mishu (praying, cake, heart emojis) @jaclynjose,” ang hirit pa ni Gardo.

Samantala, napapanood pa rin si Jaclyn sa Kapamilya action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan nina Coco Martin at Ivana Alawi.

Buhay na buhay pa rin sa serye ang aktres bilang si Chief Espinas dahil nakapag-taping pa siya ng ilang episodes bago siya bawian ng buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang tanong, paano kaya ang gagawin ni Coco at ng buong production para sa pamamaalam ng karakter ni Jaclyn? Yan ang magandang abangan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending