Marjorie kina Claudine at Greta: It’s just gonna be more peaceful kung hindi bati…
MUKHANG wala pang magaganap na pagbabati sa pagitan ng magkakapatid na Marjorie, Claudine at Gretchen Barretto anytime soon.
Hindi pa rin nakikipag-ayos si Marjorie sa nagkampihan niyang sisters na sina Greta at Claudine at naniniwala ang nanay ni Julia Barretto na mas okay na rin daw ang ganitong sitwasyon para sa lahat.
Naglabas ng saloobin ang hindi na aktibong aktres nang magkachikahan sila ni Toni Gonzaga sa vlog nito at sinabi nga niya na masaya naman ang buhay niya ngayon kahit na may issue sa kanilang magkakapatid.
“Parang there’s just too much pain na it’s just gonna be more peaceful kung hindi bati.
“But it doesn’t mean that karga-karga ko araw-araw, na nagigising akong galit na galit sa kanila. Hindi eh, hindi ganu’n,” ani Marjorie.
Nang tanungin kung ano ang nararamdaman niya ngayon hinggil sa issue, “Definitely, not from a place of hate. I don’t look back at it na masakit pa yung dibdib ko. I won’t wish ill of them.”
“It’s not coming from a place of unforgiveness. I just want peace,” dugtong niya.
Wala na rin daw pakialam si Marjorie sa mga taong walang ginawa kundi husgahan siya at ang kanyang pamilya dahil kahit ano naman daw ang gawin niya ay may masasabi’t masasabi pa rin ang mga bashers.
“I can shut down from the judgment of other people. There’s much that they don’t really know that goes on behind that story. I refuse to share.
“We are public figures but we are not public property. Because at the end of the day, kahit anong sikat mo, pag-uwi mo, we are normal like everybody else. We have the same problems, the same needs.
“I want to protect that side of us because that side of the fame, that’s not forever. So ito na lang ang poprotektahan ko.
“I know how to shut down from judgment. I know how to not listen to the bad things they say about me.
“I know myself more. I know my children more. I know they all have good hearts,” katwiran pa ng nanay ni Julia.
Kung matatandaan, nag-away-away ang magkakapatid na Barretto sa mismong burol ng pumanaw nilang ama noong October, 2019 na nasaksihan pa nga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.