Spanish tourist napatay ng pinaliliguang elepante
NAMATAY ang isang Spanish tourist sa isang animal sanctuary sa Thailand nitong Lunes, January 6, matapos siya umanong atakihin ng pinaliliguang elepante.
Ayon sa mga lumabas na report ay nangyari ang insidente sa Koh Yao Elephant Care Centre na matatagpuan sa Phang Nga Province sa Southern Thailand.
Napag-alaman na ang Spanish tourist ay isang 23-anyos na babae.
Baka Bet Mo: Nadine, BF ‘gigil mode’ sa pag-display ng namatay na elepante: Shame on you!
Bigla raw sinuwag ng elepante ang babae gamit ang trunk nito o ang mahabang nguso habang pinaliliguan ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad.
Para sa mga hindi aware, ang pagpapaligo sa elepante ay isa sa mga kilalang activity sa Thailand.
Ayon sa World Animal Protection, halos nasa 2,800 na mga elepante ang ginagamit para sa turismo.
Nagkaroon ng injury ang naturang turista at kalaunanan ay idineklara na itong patay.
Ayon pa sa report, mukhang nag-panic o na-stress ang elepante habang pinapaliguan at nakikipag-interact sa mga bisita kaya bigla itong umatake.
Pakikiramay sa hindi magandang sinapit ng babae sa kanyang dapat sana’y masayang bakasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.