Marjorie sinasaktan daw noon ni Dennis: Nawala ang eardrum ko

Marjorie nakaranas daw ng physical abuse kay Dennis: Nawala ang eardrum ko

Ervin Santiago - April 12, 2025 - 01:32 AM

Marjorie nakaranas daw ng physical abuse kay Dennis, nabasag ang eardrum

Dennis Padilla at Marjorie Barretto

PASABOG ang mga rebelasyon ni Marjorie Barretto sa panayam sa kanya ng talent manager at host na si Ogie Diaz para sa kanyang YouTube channel.

Bukod sa naging paliwanag niya tungkol sa kontrobersyal na kasal ng anak nila ni Dennis Padilla na si Claudia Barretto ay may mga ni-reveal din ang aktres about her former partner.

Pagkatapos magsalita at maglabas si Dennis ng sama ng loob hinggil sa pambabalewala umano sa kanya sa wedding ni Claudia at Basti Lorenzo, ay lumantad na rin si Marjorie para madinig naman ang kanyang panig.

Isa nga sa mga naikuwento ng nanay nina Claudia, Leon at Julia Barretto ay ang pagiging “physically abusive” umano ni Dennis noong nagsasama pa sila ilang taon na ngayon ang nakararaan.

“For 18 years, ako ang sinisiraan niya sa mga anak ko. Dennis, huwag mo itong ide-deny.

“Kapag sinusundo niya ang mga anak ko, he would tell them, ‘Paglaki niyo, I will tell you what your mom did to me.’ But my children are protective of me. Bago kami nag-hiwalay, mga 14 years na akong nagtitiis.

“He was physically abusive to me. I’ve been quiet for 18 years, but he was physically abusive.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nakakatawa siya sa tao pero he’s the opposite. Konting bagay lang manununtok na yan or mananampal na yan. My kids saw that,” ang bahagi ng pahayag ng aktres.

Pagpapatuloy pa niya, “The biggest physical abuse to me was when Julia was a few days old, kakapanganak ko pa lang sa kanya. Galit siya sa ‘kin. Parang I complained about something…I don’t know why I’m telling you this. I never spoke about this…

“Naglalakad ako papasok ng kwarto. From the back, ang laking tao ni Dennis, ha and he hit me so hard in my ear. Lumipad talaga ako, kasi hindi ka nakailag, eh, di ba? Talagang nawala ang eardrum ko. And Julia

“Na-surgery yun kasi nga sa sobrang impact. They had to recreate an eardrum. Dennis has an explosive temper,” aniya pa.

Inihayag din ni Marjorie kung bakit ayaw niyang makita o makasama ang ama ng kanyang mga anak, “Maangas ka, Dennis. Hindi ka mabuti sa akin.

“Hindi mo kayang mag-pretend para sa mga bata. Paano ka namin isasama ng mga bata? Tension ang dala mo eh. Bakit ang galit mo sa akin sobra-sobra. Naging mabuti ka bang asawa sa akin?” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag o reaksyon ni Dennis hinggil sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending