Marjorie Barretto bine-brainwash nga ba ang mga anak kaya 'di kinakausap ang ama?

Marjorie Barretto bine-brainwash nga ba ang mga anak kaya ‘di kinakausap ang ama?

Therese Arceo |December 09,2023
facebook
share this

Marjorie Barretto bine-brainwash nga ba ang mga anak kaya ‘di kinakausap ang ama?

Therese Arceo - December 09, 2023 - 05:30 PM

Marjorie Barretto bine-brainwash nga ba ang mga anak kaya 'di kinakausap ang ama?

TRULILI nga ba ang chikang bine-brainwash ni Marjorie Barretto ang kanyang mga anak na sina Dani, Julia, Leon, at Claudia upang hindi nito kausapin ang kanilang ama?

Napag-usapan kasi ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog na “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh ang kapatid ni Claudine Barretto.

Lumabas rin kasi ang balita na maski si Kier Legaspi ay hindi rin makausap ang anak kay Marjorie na si Dani Barretto.

Sundot ni Dyosa Pockoh kina Ogie at Mama Loi, “‘Di kaya na-brain wash na sila ng nanay nila kasi ganoon ang trato nila sa kanilang ama, tingin n’yo?” usisa ni Dyosa.

Baka Bet Mo: Marjorie Barretto proud na proud sa academic achievements ni Leon: ‘Thank you for being a good son!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marjorie Barretto (@marjbarretto)

“Ako, feeling ko lang, hindi ko alam, e. Kasi, una hindi naman tayo si Marjorie Barretto. Hindi natin alam talaga ang kuwento ng mga anak o ‘yung encounters nila…between them at sa kanilang ama,” sagot ni Ogie.

Matatandaang naisulat na rito sa Bandera na hanga si Kier kay Dennis at nagpapasalamat ito sa ginawang pag-aalaga ng komedyante kay Dani.

Ayon kay Kier, matagal na silang walang communication ni Dani pero naaalala pa rin niya yung huling pagkakataon na nagkausap sila ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Sabi pa nga ni Dyosa Pockoh, tila parehas ang naging kapalaran nina Dennis at Kier sa kanilang mga anak kay Marjorie.

Baka Bet Mo: Kier nagpasalamat kay Dennis: ‘Pag alam mong tama pare, gawin mo’

Aware naman ang lahat na ilang taon na ring deadma ang mga anak nina Marjorie sa kanilang ama na si Dennis sa kabila ng mga effort nitong mag-reach out sa kanila sa pamamagitan ng social media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngunit kamakailan lang nang mag-reach out rin ang mga anak at nagpadala ng pagkain kay Dennis noong Father’s Day ngunit walang naging kalakip na pagbati o mensahe para sa kanya.

Sa ngayon ay wala pa namang inilalabas na pahayag si Marjorie ukol rito.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag mg mga kampong sangkot sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending