Kier nagpasalamat kay Dennis: 'Pag alam mong tama, gawin mo'

Kier nagpasalamat kay Dennis: ‘Pag alam mong tama pare, gawin mo’

Ervin Santiago |December 06,2023
facebook
share this

Kier nagpasalamat kay Dennis: ‘Pag alam mong tama pare, gawin mo’

Ervin Santiago - December 06, 2023 - 07:15 AM

Kier nagpasalamat kay Dennis: 'Pag alam mong tama pare, gawin mo'

Dennis Padilla at Kier Legaspi

NAGPASALAMAT ang action star na si Kier Legaspi kay Dennis Padilla dahil sa ginawa nitong pag-aalaga sa kanyang anak na si Dani Barretto.

Talaga raw minahal at inaruga ni Dennis ang anak nila ni Marjorie noong nagsasama pa ang mga ito bilang partners kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa komedyante.

Ayon kay Kier, matagal na silang walang communication ni Dani pero naaalala pa rin niya yung huling pagkakataon na nagkausap sila ikang taon na ngayon ang nakararaan.

“Pero in fairness to her, once, tumawag siya. Nangungumusta, ang sinabi niya nga sa akin nu’n parang gusto niyang makilala kumbaga magkakilala ‘yung mga anak niya, magkita lahat, magkaayos na,” sey ni Kier sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” podcast.

Baka Bet Mo: Hamon ni Kier Legaspi: Magpa-interview kaya ako para yung side ko naman ang marinig…game?

Pagkatapos nu’n ay hindi na sila nabigyan uli ng pagkakataong makapag-usap. Kasunod nga nito, nagpasalamat ang aktor sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa anak nila ni Marjorie, kabilang na nga riyan si Dennis.

“Nabanggit ko na rin sa iba kong mga interview na si Dennis, gusto kong pasalamatan ‘yan dahil inalagaan niya at minahal niya si Iren (tawag ni Kier kay Dani), parang sarili niyang anak and I appreciate that,” sabi ni Kier.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ~ cняιsтσρнεя кιεя ℓεgαsρι ~ (@kier_legaspi)


Kasunod nito, nagbahagi rin ang action star kay Dennis, “’Wag kang makikinig sa sinasabi ng ibang tao. Pag alam mong tama, pare, bro, gawin mo ‘yan makakabuti sa ‘yo ‘yan. It will give you peace in your mind, in your soul.”

Kung mabibigyan ng chance, gusto rin ni Kier na makausap nang harapan si Dennis, “I think isa ako sa mga taong talagang makaka-relate sa pinagdadaanan niya. May hawig e, so ako, naiintindihan ko si Dennis.”

Baka Bet Mo: Kier Legaspi nag-effort din para sa sariling community pantry: ‘Sing For Hearts’ ng GMA aariba na

Samantala, nag-react din sa naturang panayam si Kier tungkol sa cryptic post  niya sa social media noong 2021 kung saan sinabi niyang gusto niyang magpa-interview matapos mapuruhan sa mga  “punches and lies” ng ilang taong nagsasalita laban sa kanya.

“I’m trying to take all the punches and lies but let’s see how you would feel if I tell my side of the story. Game?” ang sabi ng aktor sa kanyang socmed post noon.

Paliwanag niya tungkol dito, “I was triggered by lies kaya ako nagsalita. Kasi may mga panahon na, pag pinabayaan mo ang isang issue, ‘yung tama nagiging mali, binibigyan na ng tao ng ibang interpretation.”

“I’m a happy-go-lucky guy, pero meron akong boundaries. Meron akong mga bagay na, mga, hindi ko pinaglalaruan ‘yan. ‘Yung mga prinsipyo, ‘yan, ‘yan ang hindi ko binibiro,” aniya pa.

Sa ngayon ay bahala na raw ang Diyos sa isyung ito dahil mas gusto niyang mag-move on na at maiwasan ang kahit anong stress at problema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“’Yan ang binabantayan ko sa buhay Kailangan ‘pag may problema, may solusyon diyan pero don’t be stressed sa kung ano man,” sey pa ni Kier Legaspi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending