Hamon ni Kier Legaspi: Magpa-interview kaya ako para yung side ko naman ang marinig…game?
MALALIM ang hugot ng aktor at kapatid ni Zoren Legaspi na si Kier Legaspi tungkol sa isang issue na kinasasangkutan niya ngayon.
Walang binanggit si Kier kung sino ang taong pinatututsadahan niya sa umano’y mga kasinungalingang ibinabato laban sa kanya ngunit ang hula ng ilang netizens ay may koneksyon ito sa anak niyang si Dani Barretto.
Nag-post sa Instagram ang aktor na tila pagbabanta sa pinatatamaan niyang tao kung saan sinabi niya na pinag-iisipan niyang magsalita na at ibandera kung ano ang katotohanan sa isyung hindi niya tinukoy.
“Magpainterview kaya ako para yung side ko naman ang marinig.
“I’m trying to take all the punches and lies but let’s see how you would feel if I tell my side of the story. Game?” ang tila may paghahamong mensahe ni Kier.
Wala ngang binanggit ang aktor kung sino ang kanyang hinahamon at kung ano ang kanyang ipinaglalaban. Ngunit ang feeling nga ng mga nakabasa sa kanyang IG post ay patungkol ito sa anak niya kay Marjorie Barretto na si Dani.
Kapansin-pansin daw kasi na naglabas ng kanyang sentimyento si Kier matapos magsalita si Dani tungkol sa naging relasyon nila bilang mag-ama. Ngunit may nagsabi naman na baka ibang isyu ang tinutukoy ng aktor at hindi ang kanyang anak kay Marjorie.
Nagpa-interview kasi si Dani sa vlog ni Dra. Vicki Belo kung saan naikuwento nga nito na pitong taon din silang hindi nagkita at nagkausap ng ama.
Aniya, tatlong buwan daw siyang tumira sa bahay ni Kier noong siya ay 19 years old pa lamang siya ngunit nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ay nagdesisyon siyang bumalik kay Marjorie.
“Naudlot siya, e. After three months, dun kami nagka-falling out. A fight occurred one night. And then, hindi na namin na-resurrect from that night. We just stopped talking after that night. Then it has been seven years.”
Sabi pa niya, “I spoke to him last year. I called him. I was very emotional. I knew he was just there. I wanted my daughter to know him.
“I don’t want my daughter to grow up na what if she asks me about my dad, wala ako masagot because I don’t know what’s happening in his life,” sabi ni Dani.
“I don’t even have his number. I had to ask for his number sa Lola ko — his mom. I called him and then we spoke. We kept trying to plan to see each other but because of COVID, hindi kami matuloy-tuloy,” kuwento pa ni Dani Barretto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.