Andrea: Guys, pretty nga ako pero minsan nakakainis din ang life!
KUNG may isang young actress na talaga namang nakakabilib ang katapangan, iyan ay walang iba kundi ang Most Beautiful Face in the World 2024 na si Andrea Brillantes.
In fairness sa Kapamilya star, sa dami ng mga pagsubok na pinagdaanan niya sa murang edad ay nananatili pa rin siyang nakatayo at hindi basta-basta nagpapatalo sa laban ng buhay.
Nakachikahan ng BANDERA at ilang piling members ng entertainment media si Andrea kamakailan sa naganap na Star Magic Spotlight presscon kung saan game na game niyang sinagot ang mga juicy questions.
Ayon kay Andrea, na halos 15 years na ngayon sa mundo ng showbiz, sanay na sanay na siya sa mga tsismis at intriga sa showbiz at totoo namang isa siya sa pinakakontrobersyal na youngstar ngayon.
“Lahat ng tapang ko nanggagaling sa mga pinagdaanan ko. Minsan gi-give up ako, but I will look up sa mga pinagdaanan ko. Ngayon pa ba ako titigil? Nalagpasan ko na dati to. Kaya ko rin itong lagpasan,” pahayag ng dalaga.
Dagdag pang chika ni Andrea, “Minsan hindi na ako naniniwala sa self ko, minsan hindi na ako naniniwala sa humanity. Minsan hindi na rin ako naniniwala sa trabaho.
“Minsan may times na, kaya pa ba ng talent to? Kaya pa ba idaan sa ganda ito? Hindi na!” pag-amin ng aktres.
Sa mga pagkakataon na parang feeling niya ay katapusan na ng mundo dahil sa mga problemang dumarating sa buhay niya, kay Lord lang daw siya talaga kumakapit
“Naniniwala ako sa Diyos na i-de-deliver Niya ako sa lahat ng dinadaanan ko. Although ‘di ko talaga alam may moments na nag-iiyak na lang ako.
“Sasabihin ko lang, ‘Lord hindi ko na lang alam pero naniniwala ako sa Yo, kapit na lang ako sa ’yo. Sa ’yo ako naniniwala. Hindi na ako naniniwala sa mundo, pero sa’yo ako naniniwala,’” aniya pa.
Mensahe pa niya sa lahat, “If you don’t have that strong faith, it’s important to surround yourself with the right people, those who will always uplift you.”
Pahabol pa ni Andrea, isa sa pinakamahalagang aral na natutunan niya, “Kahit minsan paulit-ulit ako, kanina paulit ulit ako na at least pretty ako, minsan guys, pretty nga ako pero minsan nakakainis ang life.
“Importante meron kang kinakapitan. So mas importante ang loob, hindi ang labas,” mariin pa niyang sabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.