Andrea Brillantes, Sam Fernandez spotted 'HHWW', magdyowa na

Andrea Brillantes, Sam Fernandez spotted na ‘HHWW’, magdyowa na raw

Ervin Santiago - March 06, 2025 - 03:06 PM

Andrea Brillantes, Sam Fernandez spotted na 'HHWW', magdyowa na raw

Andrea Brillantes at Sam Fernandez

MUKHANG seryosohan na nga ang relasyon ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes at basketball player na si Sam Fernandez.

Naniniwala ang mga fans ng dalaga at ng sikat na cager na may relasyon na nga ang dalawa base sa mga bagong photo at video na kumakalat ngayon sa social media.

Lalo na nang maglabasan ang latest pictures nila together kung saan spotted silang magka-holding hands while walking sa public place.

Ito’y matapos ding makita ang rumored couple na magkasama sa isang frisbee event na ginanap sa Sta. Rosa, Laguna, last February 22 at 23.

Base ito sa ipinost na mga photo sa TikTok ng isang netizen na may handle name na @imlovely_08.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Dito napiktyuran nga ang aktres kasama ang basketball player mula sa San Beda College na magkasamang naglalakad habang magkaangkla ang kanilang mga kamay.

Nagsimulang kumalat ang chikang may namamagitan nang “something” sa pagitan nina Andrea at Sam last February matapos silang makitang magka-date sa isang restaurant nitong nagdaang Valentine’s Day.

Ibinandera pa ng Kapamilya star sa kanyang TikTok account natanggap na bouquet of pink roses mula sa kanyang ka-date.

Nabuking ng mga netizens na sila ang magkasama nitong nagdaang Araw ng mga Puso nang maispatan si Sam na may hawak na flowers na katulad na katulad ng ipinost ni Andrea.

Kasunod nito, may mga fans na nag-post ng mga litrato nina Andrea at Sam na kuha sa iba’t ibang okasyon noon pang 2024.

Wala pang kumpirmasyon o pagdedenay ang dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon at pahayag ang rumored magdyowa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang huling nakarelasyon ni Andrea na alam ng publiko ay ang basketball player ding si Ricci Rivero.

Kinumpirma nila ang kanilang breakup noong June, 2023 na naging national issue pa dahil sa mga kontrobersyang bumabalot sa pagtatapos ng kanilang love story.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending