Andrea Brillantes sa mukbangan nila ni Jake: Hindi ko inakala na gagawin ko!

Andrea Brillantes, Jake Cuenca at Coco Martin
HINDI nakatulog ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes bago ang first taping day niya para sa hit Kapamilya action series na “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin.
Maaga raw siyang humiga sa kama para sa makatulog nang maaga pero hindi kahit anong gawin niya ay ayaw siyang dalawin ng antok.
“Kinakabahan ako, pero nandito na tayo sa first day ko. Excited ako kasi first time ko lahat ito gagawin, first time ang mga makakasama ko dito.
“At first time ko din makakawork si Direk Malu (Sevilla) and I’m just really excited,” ang pahayag ni Andrea sa panayam ni MJ Felipe na dumalaw sa set ng naturang serye.
“Medyo hindi nga ako makatulog kagabi, ang plano ko talaga dapat maaga ako matulog.
“Pero hindi ako makatulog kasi kakaisip ko na ano kayang mangyayari bukas? Pero pagdating ko naman dito, ang gaan ng set, ang gaan ng katrabaho ng lahat. Kahit yung mga artists, staff and crew,” chika pa ni Andrea.
Kuwento ng aktres, gagampanan niya ang role ni Fatima na bahagi ng Benito clan na pamilya ng mga scammer.
View this post on Instagram
Kung makapal na script ang binabasa ni Andrea sa kanyang past acting projects, ngayon daw ay medyo naninibago siya ngayon sa taping ng “Batang Quiapo” dahil ilang pahina lang ang ibinigay sa kanya sa unang araw ng kanyang taping.
Kilala si Coco bilang direktor sa kakaibang “script-system” sa set. Karaniwan kasing walang script sa taping ng mga ginagawa niyang serye. Basta ipaliliwanag lang niya sa mga artista ang mga kailangan sa eksena at bahala ka nang umatake rito.
Nitong nagdaang linggo, naging usap-usapan sa social media ang inilabas na teaser trailer ng produksyon ng “Batang Quiapo” kung saan ipinakita ang isang mainit na eksena ni Andrea kasama si Jake Cuenca.
Makikita si Andrea na naka-sexy red lingerie at sinamahan si Jake sa bathtub. Makikita rin ang kanilang halikan at ang “pagmukbang” sa kanya ng aktor.
“This one, mas daring siya compared to my other roles. Mas level up siya. Mas matured nga siya. Parang hindi ko rin inakala na gagawin ko, or maiisipan kong gawin,” paliwanag ni Andrea
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.