Coco Martin pressured pero excited sa bagong yugto ng ‘Batang Quiapo’
EXCITED na si Primetime King Coco Martin sa pagsasama-sama ng mga sikat na artista at beteranong mga pangalan sa industriya para sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na nagbubukas ng bagong yugto para sa ikatlong taon ng serye.
Sa ‘Tatak BQ: The FPJ’s Batang Quiapo 2nd Anniversary Special’ ay nakuwento niya kung gaano siya kasaya sa oportunidad na ito. Kamakailan nga lang ay inanunsyo ang bagong cast members tulad lamang nina Andrea Brillantes, Jake Cuenca, Angel Aquino, Albert Martinez, Chanda Romero, Celia Rodriguez, at marami pang iba.
“Overwhelming para sa akin. Kasi imagine niyo na mapasama lahat kami and mga baguhang artista, tapos makasama namin mga veteran actor na mga icon na sa industry. Napakasarap kasi hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng ganitong klaseng pagkakataon,” say ni Coco.
Sabi ni Andrea ay nape-pressure siya sa pagsalang sa isang bigating cast.
Baka Bet Mo: Coco Martin matindi ang paghahanda sa bagong season ng Batang Quiapo
Aniya, “I am feeling a bit pressured, pero I am more grateful than I am pressured. I will use that pressure as motivation to be better kasi iba ang experience dito sa ‘BQ.’ Matagal ko nang nire-request na gusto ko mag-action.”
Malaki din ang pasasalamat ni Jake na muling makatrabaho si Coco matapos nilang magsama sa ilang Kapamilya teleserye noon na itinangkilik ng mga manonood.
“I’m really grateful to be part of this big and successful project. I’m just excited to experience the best version of Coco Martin,” sabi ni Jake.
Proud din ang veteran actresses na sina Chanda at Celia na mapabilang sa napakahalagang serye at excited na rin sila na maka-eksena si Coco.
“I’ve heard so much about Coco and I know of the success of ‘Batang Quiapo’ and I wanted to see this guy in action and see it first-hand,” kuwento ni Chanda.
Sabi naman ni Celia, “I’m so proud that I’m here. Everybody wants to be in this cast.”
Samantala, ipinahayag din nina Albert at Angel kung gaano sila kasaya sa kanilang pagbabalik-aksyon kasama si Coco matapos nilang mapabilang sa “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan importanteng mga karakter ang ginampanan nila.
Mapapanood ang three-part special ng “Tatak BQ: The FPJ’s Batang Quiapo 2nd Anniversary Special” sa Facebook pages ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN at sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.
* * *
Binigyan ng PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang superhero film na “Captain America: Brave New World” ng Marvel Comics.
Pinagbibidahan ni Anthony Mackie bilang Sam Wilson, ang bagong Captain America ang ika-35 edisyon ng pelikula sa ilalim ng Marvel Cinematic Universe (MCU).
Tulad ng lahat ng PG-rated na pelikula, nagpaalala si MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio sa mga magulang at nakatatanda na ang mga edad 12 at pababa ay kinakailangan ng gabay ng magulang o guardian sa panonood para sa tamang paggabay.
Kabilang sa mga pelikulang binigyan ng PG rating ngayong linggo ay ang mga sumusunod: “Ex Ex Lovers.” Ang pagbabalik tambalan ng dating onscreen partners na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.
Ang “Paquil” ay tungkol sa pananampalataya, kultura, at pagbabalik-loob na pinagbibidahan nina Beauty Gonzales at JM de Guzman. Kuha ang mga eksena sa makasaysayang bayan ng Pakil, Laguna.
“Bridget Jones: Mad About the Boy” mula sa nobela ng kilalang peryodista at nobelista na si Helen Fielding.
“Buffalo Kids” – Isang Spanish animated na pelikulang angkop para sa mga bata. Ang mga pelikulang ito, tiyak na magbibigay aliw sa mga manonood partikular ngayong Valentines, swak din para sa pamilyang Pilipino na makapag-enjoy.
Hinikayat naman ni Sotto-Antonio ang mga magulang at guardians na maging responsableng manonood at sinabing, “Sa pamamagitan po ng tamang paggabay natin sa mga bata pagdating sa angkop na pagpili ng mga panoorin, matutulungan natin sila na mas maintindihan ang mga tema na ipinapalabas habang ini-enjoy ang bawat kwento kasama ang pamilya.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.