Alex nakunan sa ika-3 pagkakataon: 'Naku, wala na namang laman'

Alex Gonzaga nakunan sa ika-3 pagkakataon: ‘Wala na namang laman’

Ervin Santiago - January 27, 2025 - 09:15 AM

Alex Gonzaga nakunan sa ika-3 pagkakataon: Wala na namang laman

Alex Gonzaga at Mikee Morada

BAGO pumasok ang 2025 ay nakunan muli sa ikatlong pagkakataon ang actress-TV host at content creator na si Alex Gonzaga.

Kinumpirma ng kanyang asawang si Mikee Morada ang malungkot na balita sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga na napapanood sa YouTube channel niyang “Toni Talks”.

Ayon kay Mikee, nakaranas muli ng miscarriage si Alex noong December, 2024. Ito’y matapos ngang makunan ang aktres ng dalawang beses mula nang ikasal sila taong 2020.

“Nu’ng nalaman namin na pregnant kami for the third time, nagpa-check up kami kaagad sa OB and okay naman. Tapos nag-decide kami na mag-iingat na talaga siya and the second week, okay pa yung ultrasound,” pagbabahagi ni Mikee.

“To be honest, kami ni Catherine (Alex), noong nalaman namin na pregnant siya, hindi namin talaga akalain, wala kaming plano.

Baka Bet Mo: Alex nakunan uli, nag-sorry kay Mikee: Noong naliligo ako parang bigla akong kinausap ni Lord, ‘Why are you in a rush to be pregnant? Why?’

“Ang plano namin, baka posibleng mag-prepare muna ng katawan, IVF, pero naturally pa rin, gusto naming subukan,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

Sabi ng mister ni Alex, hindi umabot ng isang buwan ang pagbubuntis ng asawa, “Hanggang du’n sa pangatlong linggo, e, sabi sa amin nu’ng doctor, ‘Naku, wala na namang laman. Blighted ovum ulit.”

Base sa isang health website, ang blighted ovium ay ang pag-develop ng fertilized sa uterus pero hindi natutuloy sa embryo.

Kasunod nito, nanghingi ng second opinion ang mag-asawa sa ibang doktor at dito nila nadiskubre na mahina ang heartbeat ng ipinagbubuntis ni Alex.

“Pagdating namin sa ultrasound na ‘yun, merong bata sa loob, may baby sa loob. Naiyak ako nu’ng narinig ko yung heartbeat. First time kong nakarinig ng heartbeat sa third try.

“Nalaman namin na mababa yung heartbeat, na 65 lang. So that same day, pumunta kami sa ospital, tinray namin habulin, baka ma-save pa yung baby,” pahayag ni Mikee.

Ngunit sa next consulation ay wala na ang heartbeat ng sanggol. Ramdam ni Mikee na nagpapakatatag si Alex nang malaman nila ang nangyari.

“Strong siya, e. Pero nu’ng umuwi kami ng gabi, du’n siya nagbe-breakdown,” saad pa ni Mikee.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi pa ni Mikee tungkol sa kanilang 3rd miscarriage, “At the end of the day, kahit anong mangyayari, biyayaan man tayo o hindi, kahit tayong dalawa lang magkasama, okay lang.

“Every experience makes our relationship stronger. Kung iisipin ko noong 2019, para lang kaming nagbabahay-bahayan, but now we’ve been through so much together,” dagdag pa ni Mikee Morada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending