Alex Gonzaga pinagtripan na naman ang asawang si Mikee Morada, banat ni Isabelle Daza: 'Ang epal mo! | Bandera

Alex Gonzaga pinagtripan na naman ang asawang si Mikee Morada, banat ni Isabelle Daza: ‘Ang epal mo!

Ervin Santiago |October 05,2023
facebook
share this

Alex Gonzaga pinagtripan na naman ang asawang si Mikee Morada, banat ni Isabelle Daza: ‘Ang epal mo!

Ervin Santiago - October 05, 2023 - 07:12 AM

Alex Gonzaga pinagtripan na naman ang asawang si Mikee Morada, banat ni Isabelle Daza: 'Ang epal mo!

Mikee Morada at Alex Gonzaga

IBA’T IBA ang naging reaksyon ng mga netizens sa ginawa ni Alex Gonzaga habang natutulog ang kanyang asawang si Mikee Morada.

May mga natuwa at naaliw pero meron ding naloka sa pang-iistorbo ng actress-TV host sa mahimbing na pagtulog ni Mikee sa kanilang kama.

Ipinost ni Alex ang video kung saan mapapanood ang pangungulit sa natutulog niyang asawa sa kanyang Instagram account.

“Yes i am the clingy wife!” ang inilagay na caption ni Alex sa kanyang IG post.

Makikita sa video na biglang nagising si Mikee nang kubabawan ni Alex sa kanilang kama. Binuhat niya ito paupo at pinupog ng halik na tila miss na miss niya ang asawa.

Halatang naalimpungatan at nagulat si Mikee sa ginawa ng kanyang misis dahil pupungas-pungas pa ito. At sa bandang dulo ng video parang itinuro ni Alex ang camera na nakatutok sa kanila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


Sa comments section, hati ang reaksiyon ng mga netizen. Sa katunayan pati ang kapwa niya celebrity na si Isabelle Daza at napakomento sa ginawa niya kay Mikee.

“Ang epal mo,” banat ni Isabelle kay Alex. Sinundan pa niya ito ng, “It’s jellytime.”

Narito ang ilan pang hirit ng netizens sa IG video ni Alex.

“Cute! but let your husband sleep, Alex. He looks tired.”

Baka Bet Mo: Alex: If ever ma-bless ulit na mabuntis we might not tell you right away netizens…

“Ang kulit mooooo hahahahahahaha!”

“Kala ko si slater. omg!”

“Wla talaga to si Cathy, tingnan mo ate @celestinegonzaga . Can you post like this with Paul? Alex lng alaga makulit and raw(r)!”

“Yung itsura ni mikee wagas! Woke up like this!”

“Ang bait ng asawa mo.. kung gnawa ko sa hubby ko yan malamang ako ang kawawa.”

“Salute sa mga clingy na partner HAHAHAHAHAHA!”

“Ayan na namann siya o..kailan kaya tumino tu’,kala ko ba private asawa niya.”

“Kung kasing pogi ni Mikee nman ksi eh. Clingy wifey talaga.”

“Hahahahah @cathygonzaga di ako naniniwalang binangon lang naganap haha charot po.”

Alex kinumpirma ang pagkawala ng 1st baby: Thank you for giving mommy and daddy joy even for a short span

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mikee Morada nagsalita na sa isyung kinasasangkutan ng asawa: Nandito ako para sa iyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending