Mikee Morada nagsalita na sa isyung kinasasangkutan ng asawa: Nandito ako para sa iyo | Bandera

Mikee Morada nagsalita na sa isyung kinasasangkutan ng asawa: Nandito ako para sa iyo

Reggee Bonoan |January 18,2023
facebook
share this

Mikee Morada nagsalita na sa isyung kinasasangkutan ng asawa: Nandito ako para sa iyo

Reggee Bonoan - January 18, 2023 - 09:56 PM

Mikee Morada nagsalita na sa isyung kinasasangkutan ng asawa: Nandito ako para sa iyo

Mikee Morada at Alex Gonzaga

Kahit humingi na ng dispensa si Alex Gonzaga kay Manong Allan Crisostomo, ang waiter na pinahiran nito ng cake sa noo ay hindi pa rin tumitigil ang netizens sa pambabatikos sa kanya.

Kaya kaagad nang naglabas din ng saloobin niya ang asawa ni Alex na si Lipa City Councilor Mikee Morada sa kanyang Facebook account at inamin nito ang pagkakamali ng kabiyak.

Aniya, “Madami na ang nasabi tungkol sa aking misis dahil sa nangyari noong kanyang birthday celebration. Bilang asawa at head ng aming pamilya, nais ko lang sabihin na nagkamali ang aking asawa.

“Madaming mga rason na maari kong sabihin kung bakit niya nagawa iyon pero walang excuse sa kanyang pagkakamali. Nagkamali talaga siya.

“Na recognize niya ang kanyang pagkakamali at napagdesisyonan na agad na humingi ng dispensa kay Kuya Allan. Pero kahit na sa kanyang paghingi ng dispensa at gawin ay may masasabi pa din sa kanya.

“Tanggap natin ‘yan pero bilang asawa masakit ‘yung mga nababasa ko na sobra naman na pati ang pinagdaanan nya bilang babae ay naungkat pa. Kahit nagkakamali ang isang tao wala pa rin tayo karapatan murahin ito. Pinili ni Alex ang maging tahimik at nagawa na ng asawa ko ang paghingi ng dispensa sa taong pinaka naapektohan sa nangyaring ito, kay Kuya Allan.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

 

“Nakakahiya din sa employer ni Kuya Allan na ngayon ay napilitan nang maglabas ng statement dahil ayaw silang tigilan ng mga nais na lalong magpalaki ng isyung ito. Humihingi kami ng paumanhin sa inyo.”

Sinabihan din ni konsehal Mikee ang asawa na mahirap ang pinagdadaanan nila ngayon pero magsisilbing aral ito para kay Alex.

“Catherine, masakit at mahirap na lesson ito pero ang mahalaga ay ginawa mo ang dapat mong gawin at inako mo ang iyong pagkakamali. Patuloy man ang mga masasabing hindi maganda patungkol sa iyo at sa atin ay nandito ako para sa iyo. Pero may awa Ang Panginoon, dadating ang oras maghihilom din ang lahat. I love you!”

Sinagot naman ito ng kabiyak ni Mikee, “I learned a hard and important lesson. I am truly sorry for the pain and embarrassment that this caused our family. Always, I am most thankful for you. Melly, you help me become a better person each day.”

Samantala, in just 40 minutes habang sinusulat namin ang balitang ito ay umabot naman sa 1,400 shares, 29,000 naglike at heart sa post na ito ni Mikee at 1,700 komento na nagsabing suportado nila si Alex.

Related Chika:
Alex hindi mami-miss si Mikee kahit ilang linggong sasabak sa lock-in shooting

Alex Gonzaga, Mikee Morada nagkatampuhan nang makunan ang aktres: ‘Hanggang dulo umaasa pa kasi ako…’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mikee Morada may gustong baguhin kay Alex Gonzaga…ano kaya yun?

Alex Gonzaga tinesting ang ‘faithfulness’ ni Mikee, nilandi at hinarot ng ibang babae

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending