Mikee Morada may gustong baguhin kay Alex Gonzaga...ano kaya yun? | Bandera

Mikee Morada may gustong baguhin kay Alex Gonzaga…ano kaya yun?

Ervin Santiago |November 23,2020
facebook
share this

Mikee Morada may gustong baguhin kay Alex Gonzaga…ano kaya yun?

Ervin Santiago - November 23, 2020 - 11:30 AM

MAY isang ugali pala si Alex Gonzaga na gusto sanang baguhin ng kanyang fiancé na si Mikee Morada.

Nakachikahan ng sister ni Alex na si Toni Gonzaga ang future brother-in-law niya at napag-usapan nga nila ang ilang detalye tungkol sa relasyon ng magdyowa.

Sa bagong vlog ni Toni sa YouTube na may title na “The Conversation I Never Had with Mikee,” una munang kinumusta ng TV host-actress ang kabataan ni Mikee.

“Simula six years old pa lang, naglalaro ako sa park buong araw. My whole life growing up, I was always part of a team tapos competitive.

“Yun ang mga favorite memories ko talaga. Imbes na sumama ako sa family ko mag-abroad, nagpapaiwan ako kasi may liga kami,” kuwento ng binata.

And yes, consistent honor student din siya noong high school at active rin sa iba’t ibag uri ng sports. Pero inamin niya kay Toni na may isang beses na na-suspend siya noong estudyante pa siya.

“Sa sobrang close ko sa mga teachers ko, medyo napasobra naman, may one time, yung diary di ba sina-sign dapat ng parents.

“Sabi ko sa teacher, ‘Sir ako lang naman ang nagsa-sign ng diary ko.’ Umalis siya, pagbalik niya, may suspension letter, one day lang naman yun,” natatawang pagbabahagi pa ni Mikee.

Diretsahan ding nabanggit ng binata na dalawa lang ang naging girlfriend niya noon bago naging sila ni Alex.

“Dalawa lang. Kapag kasi maggi-girlfriend ako, to marry na. Iniisip ko lagi tuwing mag-girlfriend ako, ito na yung papakasalan ko pero hindi siya nangyayari,” paliwanag ni Mikee.

Pero ano nga ba ang meron si Alex na nagustuhan niya, “Napapanood ko siya tapos minsan nadadaanan ko yung Instagram niya.”

Aniya, gustung-gusto niya ang pagiging masayahin ni Alex at magkaiba rin sila ng personality. Palagi rin daw siyang pinu-push ng dalaga para mas sa better version of himself.

“Kaya siguro gumaan din yung pakiramdam ko sa kanya kasi mahiyain ako eh. Hindi ko matatantsa.

“So, buti na lang ganun siya, kasi kung hindi, baka hindi ko matuloy yung panliligaw. Buti na lang ganu’n siyang tao,” chika pa niya.

At ito na nga, nang tanungin ni Toni kung may gusto ba siyang baguhin sa kanyang future wife, ito ang sagot ni Mikee, “Siguro yung pagiging ano niya sa time.”

“Kunyari meron pala siyang trabaho the next day, papupuntahin ka niya pero kailangan pala niya matulog ng maaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Bakit mo pa ako pinapunta?’ Yun lang. Kulang lang sa details minsan,” ang pagpapakatotoo pang pahayag ni Mikee.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending