Alex Gonzaga sinusuot mga pinaglumaang briefs ni Mikee Morada

Paul Soriano, Toni Gonzaga, Alex Gonzaga at Mikee Morada
PAK na pak ang hiritan at bardagulan ng mag-sister na Toni Gonzaga at Alex Gonzaga sa isang vlog kasama ang kani-kanilang asawang sina Paul Soriano at Mikee Morada.
Mapapanood ito sa YouTube channel ni Alex bilang Valentine episode kung saan napag-usapan nga nila ang tungkol sa kanilang married life at kung anu-anong pagbabago ang nangyari sa buhay nila mula noong ikasal sila.
In fairness, laugh lang kami nang laugh habang pinanonood ang latest video nina Alex at Toni. Napakarami nilang bagong rebelasyon tungkol sa personal nilang buhay.
Siguradong natakam din ang mga nakapanood sa kanila dahil habang nagchichikahan ay lumalafang sila ng buffalo wings with hot sauce na may 10 level ng anghang.
Baka Bet Mo: Gerald ibinuking ang reaksyon ni Julia sa ‘boxer briefs’ video; perfect 10 ang estado ng lovelife
Isa sa mga tanong na sinagot ng apat na personalidad ay, “Sinong personality ang aasawahin mo kung hindi ako ang napakasalan mo?”
Unang sumagot si Mikee, “Yung katulad mo,” na ang tinutukoy ay si Alex na humirit ng, “Si Mommy Pinty ba ito.” At umoo naman si Mikee.
View this post on Instagram
“Kaya pala minsan, nakatitig ka sa mommy,” birong sey uli ni Alex.
Si Piolo Pascal naman daw ang gustong maging asawa ni Alex kung hindi sila nagkatuluyan ni Mikee, “Ako, sorry ha? Huwag sana masira friendship niyo, ha? Piolo.”
“Nonchalant” lang si Mikee sa sinabi ng asawa. Kaya si Toni ang nag-react, “Feeling mo naman!”
Sey ni Alex: “PJ! Kung hindi ako ipinakilala ni PJ dito (Mikee), baka siya yung napakasalan ko. Kasi, di ba, nanligaw din, before?” ang birong hirit pa ng actress-host.
Sumunod na sumagot si Toni, at ang binanggit niya ay ang Hollywood star na si Pierce Brosnan, “Uy, nakita niyo ba si Pierce Brosnan? Yung asawa niya ngayon, yun pa rin ang asawa.
“Yung asawa na pinakasalan niya, hanggang ngayon, to this day…tapos ang dami niyang sweet photos na, wow, ang rare nun, ha?” sey ni Toni.
Sagot naman ni Paul, tulad pa rin daw ni Toni ang gusto niyang pakasalan.
Nauna na naming naisulat dito sa BANDERA ang tungkol naman sa significant changes sa pagsasama nila bilang mag-asawa.
Sagot ni Paul about Toni, “Very outspoken, communicating more now, telling me how she feels, and of course sweeter. Minsan siya talaga yung nagyayaya ng sex all the time.”
Reaksyon naman ni Toni, “Huwag mo nang iano yan. Ito naman nakakaano, e. Hindi naman nakakatawa yung mga ganu’n, sinasama pa yung mga ganu’n.”
Sey ni Toni patungkol kina Alex at Paul, “Pareho kasi sila ng humor. Dinadaan nila sa bastos para matawa sila sa isa’t isa.”
Pagpapatuloy niya, “Ako, ang significant change kay Paul… well, kasi choice ko yun dati. Ayokong i-involve sa anything na ginagawa niya.
“Ngayon, talagang everything, eto na, eto na lahat na ginagawa ko. E, kasi dati nga, wala akong pakialam sa ganito… bahala. Ngayon, nangingialam na ako. Lahat, pinapakialaman ko.
“To the point na yung mga briefs, pinipilian niya. In-overhaul ko lahat, binibili ko lahat,” aniya pa.
Relate much si Alex sa usaping briefs, “Si Mikee naman, dahil ang isa sa significant na nangyari sa kanya, medyo nag-iba na rin yung katawan niya. So, mga brief na rin niya isinusuot ko.
“Kasi sabi niya, ‘Hindi na ito kasya sa akin,’ kaya sinusuot ko talaga,” rebelasyon pa ni Alex na ikinahagalpak naman ni Mikee.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.