Gerald ibinuking ang reaksyon ni Julia sa 'boxer briefs' video; perfect 10 ang estado ng lovelife | Bandera

Gerald ibinuking ang reaksyon ni Julia sa ‘boxer briefs’ video; perfect 10 ang estado ng lovelife

Ervin Santiago |April 15,2021
facebook
share this

Gerald ibinuking ang reaksyon ni Julia sa ‘boxer briefs’ video; perfect 10 ang estado ng lovelife

Ervin Santiago - April 15, 2021 - 10:00 AM

MAIKLI ngunit makahulugan ang naging sagot ni Gerald Anderson nang tanungin kung ano ang naging reaksyon ni Julia Barretto sa viral video niya mula sa trailer ng “Init Sa Magdamag.”

Naging hot topic sa social media at nag-top trending topic pa sa Twitter ang eksena ni Gerald sa nasabing serye kung saan naghubad siya sa harap ng leading lady niyang si Yam Concepcion.

In fairness, biglang umingay ang bagong drama series ng Kapamilya Network nang dahil sa pagpapakita ni Gerald ng kanyang hubad na katawan na ang tanging suot lang ay puting boxer briefs.

Kaya naman sa pakikipagchikahan ng hunk actor sa kanyang co-stars sa “Init Sa Magdamag” na sina Albie Casino, Nikko Natividad at JM de Guzman, natanong siya kung anong reaksyon niya sa viral trailer.

Nagsilbing host ng online chikahan ang Kapamilya comedienne na sil Alora Sasa na diretsahan ngang inusisa si Gerald tungkol sa pinagpiyestahang “boxer briefs” scene niya sa bago nilang serye.

Natatawang tugon ng aktor, nagulat daw siya sa naging reaksyon ng madlang pipol dahil para sa kanya madalas naman daw ganoon lang ang kanyang suot sa bahay.

“Nagulat nga ako nag-trending, ganyan suot ko araw-araw. Dito sa bahay nakaganyan lang ako. Kumbaga parang normal lang sa akin, nagulat ako ba’t nagustuhan pa ng mga tao yan,” tawa nang tawang sabi ni Gerald.

Sundot na tanong ni Alora kung ano nga ba ang reaksyon ng dyowa niyang si Julia nang makita ang nasabing eksena.

“Naku, Alora. Ikaw talaga…ang masasabi ko lang, napakainit ng comment niya doon,” chika ng binata.

Samantala, natanong naman sina JM, Albie at Nikko kung gaano “kainit” ang level ng kanilang mga puso ngayon.

“Baguio,” ang agad na tugon ni JM na ibig tukuyin ay ang malamig na lagay ng lovelife niya. “Zero” naman ang sagot ni Albie.

Birong hirit naman ni Hashtag Nikko, “Para na lang siguro sa bata yung pagsasama namin.” Na sinundan ng tawanan nina Gerald, JM at Albie.

“Hindi, okay naman, masaya naman po ang aming relationship,” seryosong sabi na ni Nikko patungkol sa kanyang partner.

Nang si Gerald na ang sasagot, tinanong uli ng aktor kung ano ang naging sagot ng mga co-star niya sa serye saka niya binanggit na perfect 10 ang init ng kanyang lovelife ngayon.

Aniya, “Yung zero ni JM lagyan mo ng 1!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na sa Abril 19 ang “Init sa Magdamag” sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, TV5, TFC, Kapamilya Online Live, iWant TFC, WeTV at iflix.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending