Alex Gonzaga nag-sorry kay Mikee Morada nang muling makunan

Alex Gonzaga at Mikee Morada
HUMINGI ng tawad si Alex Gonzaga sa kanyang asawang si Mikee Morada sa muling pagkawala ng kanilang baby matapos siyang makunan ilang araw na ngayon ang nakararaan.
Sa pamamagitan ng kanyang latest vlog sa YouTube, naglabas ng saloobin si Alex tungkol sa ikatlong miscarriage na naranasan bago magtapos ang 2024.
Ito’y matapos na ibalita ng kanyang mister sa “Toni Talks” na muli ngang nakunan si Alex sa ikatlo na sana nilang anak.
Mapapanood sa bagong vlog ng sister ni Toni Gonzaga ang naganap na selebrasyon para sa kanyang 37th birthday last January 16. Nakasama ng aktres at TV host ang kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.
Ibinahagi rin ni Alex sa kanyang latest vlog ang pagtungo sa Lipa City Hospital noong January 17 para magbigay ng pagkain at donasyon sa mga babaeng naroon na kapapanganak lamang.
Baka Bet Mo: Lovely Abella lalong nabuhayan ng loob, narinig ang heartbeat ng ‘miracle baby’
Kasunod nito, ibinahagi nga ni Alex ang panibagong pagsubok sa pagsasama nila ni Mikee bilang mag-asawa – ang pagkalaglag nga ng sanggol na kanyang ipinagbubuntis.
Ipinakita sa video kung paano sinuportahan at inalagaan ni Mikee ang kanyang misis nang muling magkaroon ng miscarriage. May mga pagkakataon daw na talagang pinanghihinaan na ng loob si Alex dahil sa pagkawala muli ng kanila baby
Narito ang buong mensahe ni Alex sa kanyang very loving and supportive husband.
“Dearest Mikee, I’m so sorry again for our loss.
“The little miracle we had will always stay with us. Let’s keep believing.
“By God’s grace, we will have the family we have always prayed for.
“Love, Catherine.”
Sa panayam nga ni Toni sa kanyang brother-in-law, sinabi nitong, “Nu’ng nalaman namin na pregnant kami for the third time, nagpa-check up kami kaagad sa OB and okay naman. Tapos nag-decide kami na mag-iingat na talaga siya and the second week, okay pa yung ultrasound.”
Sabi ng mister ni Alex, hindi umabot ng isang buwan ang pagbubuntis ng asawa, “Hanggang du’n sa pangatlong linggo, e, sabi sa amin nu’ng doctor, ‘Naku, wala na namang laman. Blighted ovum ulit.”
Base sa isang health website, ang blighted ovium ay ang pag-develop ng fertilized sa uterus pero hindi natutuloy sa embryo.
Kasunod nito, nanghingi ng second opinion ang mag-asawa sa ibang doktor at dito nila nadiskubre na mahina ang heartbeat ng ipinagbubuntis ni Alex.
“Pagdating namin sa ultrasound na ‘yun, merong bata sa loob, may baby sa loob. Naiyak ako nu’ng narinig ko yung heartbeat. First time kong nakarinig ng heartbeat sa third try.
“Nalaman namin na mababa yung heartbeat, na 65 lang. So that same day, pumunta kami sa ospital, tinray namin habulin, baka ma-save pa yung baby,” pahayag ni Mikee.
Ngunit sa next consulation ay wala na ang heartbeat ng sanggol. Ramdam ni Mikee na nagpapakatatag si Alex nang malaman nila ang nangyari.
“Strong siya, e. Pero nu’ng umuwi kami ng gabi, du’n siya nagbe-breakdown,” saad pa ni Mikee.
Sabi pa ni Mikee tungkol sa kanilang 3rd miscarriage, “At the end of the day, kahit anong mangyayari, biyayaan man tayo o hindi, kahit tayong dalawa lang magkasama, okay lang.
“Every experience makes our relationship stronger. Kung iisipin ko noong 2019, para lang kaming nagbabahay-bahayan, but now we’ve been through so much together,” dagdag pa ni Mikee Morada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.