Lovely Abella lalong nabuhayan ng loob, narinig ang heartbeat ng ‘miracle baby’ | Bandera

Lovely Abella lalong nabuhayan ng loob, narinig ang heartbeat ng ‘miracle baby’

Pauline del Rosario |February 05,2023
facebook
share this

Lovely Abella lalong nabuhayan ng loob, narinig ang heartbeat ng ‘miracle baby’

Pauline del Rosario - February 05, 2023 - 02:27 PM

Lovely Abella lalong nabuhayan ng loob, narinig ang heartbeat ng ‘miracle baby’

LABIS ang tuwa at pagpapasalamat ng actress-comedienne na si Lovely Abella matapos marinig ang heartbeat ng kanyang “miracle baby.”

Sa isang Instagram post ay ibinandera niya ang picture at video ng isinagawang ultrasound.

Nakuwento din ng aktres na kinabahan talaga siya sa ilang linggong pag-aantay bago makapag-ultrasound.

Paliwanag niya, posible kasing maging “Blighted Ovum” o hindi mabuo ang embryo na nasa kanyang sinapupunan.

“Lord napakabuti mo salamat po, 2 weeks kaming nag antay na kahit sumilip lang siya sa amin, dahil pwede pala na maging Blighted Ovum (bugok na pagbubuntis) grabe sa halos 1 week na natira sa pag aantay namin,” caption niya sa IG.

Bagamat naging overthinker siya dahil tinamaan din siya ng COVID-19 ay mas nanaig ang kanyang tiwala sa Diyos na maging okay ang kanyang pagbubuntis.

Sey ni Lovely, “lahat ng pwedeng isipin maiisip ko na ata, pero yung pagkapit namin kay Lord ang hindi mawala.”

Patuloy pa niya, “kung ano man ang plano niya sa buhay namin dahil yun ang tinadhana niya sa amin, at kahit masaktan pa kami tatanggapin namin lalo na nung oras din na nabuntis ako heto yung nagka-covid ako, kaya dami ko naiisip.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovely Abella-Manalo (@lovelyabella_)

Nagpasalamat si Lovely sa lahat ng nagdasal para sa kanyang paggaling at finally ay narinig na rin niya ang heartbeat ng kanyang anak.

“Prayers work talaga daming nagdasal para sa amin, Pastors and Friends from our victory church, Family and Friends at kahit nga mga nakapanood at zuki namin pinagdasal kami,” lahad sa post.

Dagdag pa ng actress-comedienne, “walang imposible pag sa kanya lang kayo kakapit, di na namin hawak ang heartbeat ni baby, pero heto nga talagang binigay niya sa amin, at gusto ko mag-celebrate kasama kayo by posting this.”

“Salamat sa Prayers ninyo at kung kayo din ay isa sa nagdadasal ng Miracle baby, in His time ibibigay ni Lord,” aniya.

Mensahe pa niya sa publiko, “wag kayong mainip, wag kayong mapagod dahil itinadhana niya ang buhay na para sa inyo. God bless everyone Congrats Baby lalo na naman akong magiging spoiled nito.”

Noong January 22 ay ibinahagi ni Lovely ang isang video na kung saan ay makikitang ginigising niya ang kanyang asawa para i-surprise ng magandang balita.

Kwento ni Lovely, makalipas ng tatlong taong pagta-try nila na magkaroon ng baby ay sa wakas dumating na ang matagal nilang hinihiling.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lovely Abella preggy na sa first child nila ni Benj Manalo

Lovely Abella inalala kung paano siya natulungan ni Marian Rivera: Lagi kang kasama sa dasal ko

Lovely Abella, Benj Manalo tinanggap si Holy Spirit: Yesterday is the best day of our lives…we’re saved by God!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending