Lovely Abella preggy na sa first child nila ni Benj Manalo Bandera

Lovely Abella preggy na sa first child nila ni Benj Manalo

Therese Arceo |January 24,2023
share this

Lovely Abella preggy na sa first child nila ni Benj Manalo

Therese Arceo - January 24, 2023 - 09:31 PM

Lovely Abella preggy na sa first child nila ni Benj Manalo
MASAYANG ibinalita ng actress-comedienne na si Lovely Abella na finally ay ipinagbubuntis na niya ang anak nila ni Benj Manalo.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang isang video kung saan makikitang ginigising niya ang asawa para i-surprise ng magansang balita.

“In GOD’s Perfect TIME! MIRACLE HAPPENS! Grabe para akong himatayin ng oras na to, di ako makapaniwala bago ko ibigay sa Asawa ko @benj Napakagandang Blessing sa unang buwan ng 2023!” pagbabahagi ni Lovely.

Dagdag pa niya, “After 15 years sa unang anak ko, at after 3 years na tintry namin ng Asawa ko tsaka palang binigay ni Lord…”

Kwento ni Lovely, makalipas ng tatlong taong pagta-try nila na magkaroon ng baby ay sa wakas, dumating na ang matagal nilang hinihiling.

“Miracle Baby para sa amin knowing na mababa ang Sperm count ng asawa ko, kung kani kanino nadin ako nagtanong para mag paalaga dahil tumatanda na din ako turning 37 this year kaya mas takot na ako sa mga impossibleng mangyari sakin,” lahad ni Lovely.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovely Abella-Manalo (@lovelyabella_)

Aniya, iba raw ang paniniwala nila sa Panginoon lalo na si Benj na palaging ipinagdarasal na mabigyan sila ng anak at dininig na nga ang kanilang matagal nang hinihiling.

Dasal pa ni Lovely, “Lord Praying po na maging healthy siya at di po ako mahirapan and Please Pray for us po ni Baby.

“Waiting na lang po kami sa Heart beat niya today siya po ay 5 weeks and 5 days.”

Nagbigay naman ng payo si Lovely sa iba pang mga netizens na kaparehas niyang nagdarasal at umaasa na mabiyayaan ng anak.

“Sa lahat po ng nakakabasa nito, kahit anong hihilingin mo kay LORD ibibigay niya di man agad agad pero ibibigay niya sa Perfect time niya…

“Kaya wag ka mawalan ng pag asa, lalo mo higpitan ang Faith mo saknya dahil sigurado ako na ang pinagdadasal mo ay parating na,” sey ni Lovely.

Related Chika:
Lovely Abella, Benj Manalo magtatayo ng ‘first-ever live selling mall’ sa Pinas: Marami pa tayong ilalaban!

Benj tinawag na ‘best partner’ si Lovely: 7 years na tayo pero sobrang in love pa rin ako sa ‘yo

Lovely Abella, Benj Manalo tinanggap si Holy Spirit: Yesterday is the best day of our lives…we’re saved by God!

Benj sa 1st anniversary nila ni Lovely: Nakakakilig pa rin mahal! Forever na tayo, ha?!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending