Lovely Abella, Benj Manalo tinanggap si Holy Spirit: Yesterday is the best day of our lives...we're saved by God! Bandera

Lovely Abella, Benj Manalo tinanggap si Holy Spirit: Yesterday is the best day of our lives…we’re saved by God!

Ervin Santiago |June 23,2022
share this

Lovely Abella, Benj Manalo tinanggap si Holy Spirit: Yesterday is the best day of our lives…we’re saved by God!

Ervin Santiago - June 23, 2022 - 07:43 AM

Benj Manalo at Lovely Abella

“LIFE-CHANGING” moment kung ilarawan ng celebrity couple na sina Lovely Abella at Benj Manalo ang kanilang inspiring spiritual journey.

Ayon sa mag-asawa na ikinasal noong January, 2021, ibang-iba na ang takbo ng kanilang buhay ngayon lalo na nang tanggapin na nila nang buong-buo sa kanilang buhay ang Panginoong Diyos.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Lovely ng ilang litrato nila ni Benj at ibinandera kung paano sila binago ng kanilang pananampalataya at tunay na pagmamahal.

Aniya sa caption, “Yesterday is The Best day of our Lives. We Saved by God.

“Thank you babe dahil ikaw ang mas napalapit sakin kay LORD, mas lalo ako nagkaroon ng deeper relationship with God.

“Mas naiintindihan ko kung paano mag Obey sa kaniya. Lord alam kung simula pa lang to at excited kami sa Journey namin with you. Happy Father’s day po,” mensahe pa niya.


Kasunod nito, binati rin niya si Benj ng “Happy Father’s Day” at nagpasalamat sa lahat ng mga ginagawa niya para sa kanilang pamilya.

“Babe.Baby. Dada. Love. Papa. Daddy Donbie Manalo.

“Happy Father’s day. Thank you sa lahat ng ginagawa mo para sa family natin. We love you so much. Heto ang pinaka the best gift na nareceive mo this day walang iba kundi si HOLY SPIRIT,” sabi pa ni Lovely.

Samantala, inamin naman ni Benj na napakarami rin nilang pinagdaanan ng kanyang asawa sa kanilang pagsasama kabilang na ang anggulo sa kanilang spiritual life for the past 16 years.

Sabi ng anak ng TV host-comedian na si Jose Manalo, “16 years of ups and downs on my journey to know Christ, 2006 I was introduced to His word, but I got lost.

“Have done a lot of things in my life that I know were not pleasing to God. I was selfish with all my actions for my own intentions only.

“Not until last year 2021 when I was at my worst, Jesus used pastor @francis_cutiongco to answer my prayers, I was caught off guard but I knew from that Time, God wanted me to know Him more,” pahayag ng aktor.

Aniya pa, “Yesterday, I surrendered my life and dedicated my life to God! Guess what not only me but also my Wife @lovelyabella_ and soon all of our household, family and friends will surely know Him better.

“I have so many things I wanted to share about my journey and me and my wife’s journey, but I know God has a perfect time for that. For today we celebrate this new life with Christ. Praise God!” mensahe pa ni Benj.

Benj sa 1st anniversary nila ni Lovely: Nakakakilig pa rin mahal! Forever na tayo, ha?!

Benj tinawag na ‘best partner’ si Lovely: 7 years na tayo pero sobrang in love pa rin ako sa ‘yo

Lovely Abella nagpaka-Willie Revillame sa b-day party; nagpa-raffle ng brand new car

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending