Benj sa 1st anniversary nila ni Lovely: Nakakakilig pa rin mahal! Forever na tayo, ha?! Bandera

Benj sa 1st anniversary nila ni Lovely: Nakakakilig pa rin mahal! Forever na tayo, ha?!

Ervin Santiago |January 27,2022
share this

Benj sa 1st anniversary nila ni Lovely: Nakakakilig pa rin mahal! Forever na tayo, ha?!

Ervin Santiago - January 27, 2022 - 01:24 PM

Lovely Abella at Benj Manalo

MARAMI na namang pinakilig ang mag-asawang Lovely Abella at Benj Manalo sa palitan nila ng mensahe parabsa kanilang unang anibersaryo bilang mag-asawa.

Isang taon nang nagsasama bilang married couple ang dalawa at feeling daw nila parang kahapon lamang sila nagpakasal dahil napakabilis tumakbo ng panahon.

Nag-post sa kani-kanilang social media accounts ang showbiz couple ng ilang wedding photos kalakip ang espesyal na anniversary message para sa isa’t isa.

Narito ang inilagay na caption ni Benj sa kanyang IG post, “Same feels at nadagdagan pa sobra after 1 year!

“Happy 1st wedding anniversary my love! Ang bilis pala talaga ng isang taon kapag inlove na inlove ka sa taong mahal mo,” panimulang pahayag ng actor-vlogger at negosyante.

Patuloy pa niyang pagbabahagi, “Alam ko madami pa tayo mapag dadaanan pero im excited kasi alam ko na kasama kita all the way sa lahat ng darating sa buhay natin. 

“Salamat for being strong, undertanding, loving, the best mom and best wife in the world! Sa 1 year natin dami nag bago, sabi nga nila iba talaga kapag binasbasan na ni Lord ang relationship niyo or should I say, marriage natin ayiiii!!!” aniya pa.

Hanggang ngayon daw ay kinikilig pa rin siya kapag naglalambingan sila ng asawa, “Nakakakilig parin mahal! Sobra, never nabawasan ung kilig, pag mamahal and all ko sayo, na dagdagan pa! 

“1st year man ng wedding natin pero 7 years na tayo magkasama, grabe I’m so thankful and lucky to have you in my life. 

“Forever tayo mahal ha? Lets keep inspiring each other, learn from eachother, know God together and live life forever! 

“I love you so much asawa ko @lovelyabella_ cheers to (infinity emoticon) and more love for us! Excited for our Journey together baby gurl! Love you!” ang huling bahagi ng pagbati ni Benj kay misis.


Samantala, narito naman ang anniversary message ng Kapuso actress para kay Benj na may kahalo nang dasal, “Father, we know that even when we stand together the enemy will try to discourage us and pull us apart. We need You! We need You to stand with us and give us strength.

“When our marriage began we promised to love each other “for better or worse.” We didn’t know what that would mean. 

“We had no clue how hard some of our worst moments would be. But You knew. Nothing is a surprise to You. You have been with us in the past and we trust that you will be with us in the future. 

“So, whatever we face, stand with us and help us stand strong together. Protect our marriage Lord as You keep us united by Your grace and with Your help. Amen. 

“Happy 1st year anniversary Babe. I love you so much and forever, at lagi akong magpapasalamat sayo @benj #Benlys1styearanniversary,” pahayag pa ni Lovely.

Lovely Abella nagpaka-Willie Revillame sa b-day party; nagpa-raffle ng brand new car

Benj Manalo may open letter para sa yumaong ina: I love you so much…rest now mom

Lovely, Benj nagpa-bless na ng dream house, nagpaagaw pa ng pera sa kamag-anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending