Lovely Abella, Benj Manalo magtatayo ng 'first-ever live selling mall' sa Pinas: Marami pa tayong ilalaban! Bandera

Lovely Abella, Benj Manalo magtatayo ng ‘first-ever live selling mall’ sa Pinas: Marami pa tayong ilalaban!

Ervin Santiago |November 08,2022
share this

Lovely Abella, Benj Manalo magtatayo ng ‘first-ever live selling mall’ sa Pinas: Marami pa tayong ilalaban!

Ervin Santiago - November 08, 2022 - 07:43 AM
Lovely Abella, Benj Manalo magtatayo ng 'first-ever live selling mall' sa Pinas: Marami pa tayong ilalaban!

Benj Manalo at Lovely Abella

PAK! Pak! Pak! Ang bongga talaga ng celebrity couple na sina Lovely Abella at Benj Manalo!

Habang palago nang palago ang kanilang mga negosyo ay naisipan pa nilang magtayo ng isa pang bonggang business – ito ang first-ever live selling mall in the Philippines.

Sa kanyang Instagram account, excited na ibinalita ni Lovely ang new business venture nila ng kanyang husband na si Benj at kung paano nila ito na-achieve sa gitna pa rin ng pandemya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovely Abella – Manalo (@lovelyabella_)


“Proud ako sa ating dalawa. 2 kompanya ay hindi biro, di natin alam kung paano nangyari ang alam lang natin, nagtiwala lang tayo kay Lord,” ang caption ng Kapuso actress sa kanyang IG post.

Pagpapatuloy pa ng komedyana at dating “Bubble Gang” star, “Iisa lang ang Goal ng negosyo na to ang makatulong sa marami kaya siguro walang hadlang sa itatayo natin na to dahil yun ang gusto niya ang tumulong tayo sa marami.”

“Marami pa tayong tatahakin babe, marami pa tayong ilalaban, marami pang pagod, marami pa babe pero kaya at kakayanin natin dahil supportado tayo ng mga totoong taong nagmamahal sa atin,” ang mensahe pa ni Lovely.

Bukod sa kanyang marketing company, nagla-live selling din si Lovely ng mga luxury bags and jewelry. Pero nilinaw niya na mahirap din ang kanyang ginagawa pero dahil sa “hard work and perseverance” nakakaya nila ni Benj ang lahat ng pagsubok.

Benj sa 1st anniversary nila ni Lovely: Nakakakilig pa rin mahal! Forever na tayo, ha?!

Benj tinawag na ‘best partner’ si Lovely: 7 years na tayo pero sobrang in love pa rin ako sa ‘yo

Lovely Abella, Benj Manalo tinanggap si Holy Spirit: Yesterday is the best day of our lives…we’re saved by God!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending