Benj tinawag na 'best partner' si Lovely: 7 years na tayo pero sobrang in love pa rin ako sa 'yo Bandera

Benj tinawag na ‘best partner’ si Lovely: 7 years na tayo pero sobrang in love pa rin ako sa ‘yo

Ervin Santiago |June 11,2021
share this

Benj tinawag na ‘best partner’ si Lovely: 7 years na tayo pero sobrang in love pa rin ako sa ‘yo

Ervin Santiago June 11,2021 - 09:21 AM

“BEST partner in life!” Ganyan kung ilarawan ng aktor na si Benj Manalo ang kanyang asawang komedyana si Lovely Abella.

Maraming na-touch at napa-hashtag #SanaAll sa tagos sa pusong mensahe ni Benj para sa kanyang misis kung saan ibinandera niya nang bonggang-bongga ang pagmamahal at pagpapasalamat niya sa Kapuso actress.

Kahit na parehong busy sa kanilang respective showbiz career at sa pag-aasikaso sa kanilang mga negosyo, sinisiguro ng celebrity couple na meron pa rin silang quality time para sa isa’t isa.

Sa kanyang social media account, nag-post ang anak ni Jose Manalo ng litrato ni Lovely kalakip ang super touching appreciation message para sa asawa.

“To my wife,

“I just want to let you know that I’m so proud of you, of us, simula nung mga panahong nangangarap tayo na bumuo ng sarili nating pamilya, makabili ng sarling bahay, magkaroon ng magandang career sa showbiz, magkaroon ng sariling negosyo, grabe lang. We’ve come along way since 2015,” simulang pahayag ng aktor.

Aniya pa, “Grabe ‘yung trust natin sa isat-isa, sa tulungan natin, sa saluhan natin sa problema, tulungan mag angat kung meron down satin. Grabe. I’m just really blessed to have a partner in life, a loving wife, awesome best friend, amazing mom, smart business partner lahat lahat na.

“Salamat at dumating ka sa buhay ko. Napaka suwerte ko. Higit sa lahat, nagpapasalamat ako kasi mas pinapatibay natin ang faith natin kay Lord, hindi man alam ng madaming tao kung gaano kabuti ang puso mo na nahawa ako sa kabaitan mo, salamat.

“Totoo nga na mas na bless tayo kung pinapaubaya natin kay Lord ang lahat ng bagay at ginagawa natin un dahil gusto natin siya ma Glorify. Ma Praise! Siya lahat ng un. Hayyy,” ang mensahe pa niya kay Lovely.

Sa huli, inilarawan pa ni Benj kung gaano niya kamahal at nirerespeto at hinahangaan si Lovely, “Mag (seven) years na tayo at mag (one) year na tayo kasal pero sobrang in love na in love pa rin ako sa’yo. Thanks for making me fall for you every second of my life mahal.

“BTW (by the way), fist trip natin to ng tayo lang dalawa at nakakakilig, after (six) years ngayon lang tayo nag give ng time para makapag relax tayo dalawa sa lahat ng hard work na ginagawa natin.

“Kaya these coming days, I want you to relax and enjoy your time with me okay? I love you Mrs. Manalo. @lovelyabella_ #BenLy #BenLyForever,” aniya pa.

Nagkomento naman si Lovely sa post na ito ng kanyang mister, “I love you so much babe… Thank you at na-appreciate mo lahat ng ‘yun, di man ako perfect na asawa pero trying to be a perfect partner sa’yo sa lahat ng bagay.

“Oo nga hanggang ngayon kilig na kilig tayo walang pinagbago. Thank you Lord dahil ikaw ang kasama ko sa lahat ng pagsubok at kahit papipiliin ako IKAW pa din!! Lets enjoy babe,” pahayag pa ng “Bubble Gang” star.

Ikinasal sina Benj at Lovely nito lang Jan. 23, 2021 sa isang intimate garden-themed wedding na ginanap sa Lemuria Gourmet Restaurant sa Quezon City.

Bago pa maging mag-asawa, may kanya-kanya nang anak ang dalawa mula sa dati nilang mga karelasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending