Mark Leviste napasagot si Aira Lopez: She said yes!
NAPASAGOT na ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ang kanyang nililigawang si Kapuso Sparkle artist na si Aira Lopez.
Sa kanyang latest TikTok post ng dalaga ay ibinahagi niya kung paano nila sini-celebrate ang kada buwan simula nang una nilang dinner together.
“Each month, we celebrate the special day when we had our first dinner,” kwento ni Aira sa naksanayan nilang gawin ni Mark.
Kasunod nito ay ang pagbibigay sa kanyan ng bulaklak ng vice governor nang ito ay dumalaw sa kanyang condo unit para sunduin siya sa kanilang dinner date.
Baka Bet Mo: Mark Leviste todo ang pag-aalala sa pagbabalik ni Kris sa Pinas, why kaya?
@ranglopezAn unexpected love.. 🤍
Kapalit nito ay ang pagbibigay rin ng isang rosas ni Aira kay Mark na may kalakip na short letter.
“Just like this rose, our love blooms beautifully. Thank you for making my heart so happy. Happy 5th month,” sey ni Aira.
Ang mga kasunod na clip ay kuha na sa kanilang dinner sa isang fine dining restaurant.
Ngunit ang simpleng dinner na kanilang pinagsasaluhan ay isa pala sa mga hindi malilimutang dinner nila bilang couple.
Dito kasi ay tinanong na ni Mark si Aira ng, “Will you be my girlfriend?”
Ilang sandali lang ay sinagot na siya ng dalaga ng “yes” at agad niya itong hinalikan.
“She said yes,” masayang sabi ni Mark.
Matapos nito ay isang letter pa ang inabot ng vice governor kay Aira na siyang binasa naman ng huli.
Kitang-kita naman na masaya sina Mark at Aira sa piling ng isa’t isa.
Sa huling parte ng video ay may mensahe naman ang dalaga sa kanyang bagong dyowa.
“Thank you, Mark, for filling my heart with joy. Despite our 20-year age gap, your bright outlook in life, compassion, and genuine commitment have given me a love I’ve never experienced. Age doesn’t define us; happiness does, and I pray for God’s blessingd as we journey forward together.
“No matter what others say, I am proud of you,” sey ni Aira.
Marami naman sa mga netizens ang masaya para sa relasyon nina Mark at Aira.
“U deserve that kind of love, ate rang! As a avid fan, this is such so genuine! Sa wakaaaas, praying for ur happiness always and know that what makes u happy, makes us happy,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Parang bumata ng 20 yrs si sir mark bec of you! Iba talaga pag inlove”
“bakit naka ngiti lang ako sa buong vid??? AKO LANG BA????” sey naman ng isa.
Matatandaang si Kris Aquino ang huling babaeng na-link kay Mark.
June 2024 nang aminin ng Queen of All Media na wala na silang relasyon ng pulitiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.