Aira Lopez natakot kay Mark Leviste; umaming super fan ni Kris

Aira Lopez natakot kay Mark Leviste; umaming super fan ni Kris Aquino

Reggee Bonoan - February 23, 2025 - 07:20 AM

Aira Lopez natakot kay Mark Leviste; umaming super fan ni Kris Aquino

Mark Leviste, Kris Aquino at Aira Lopez

FAN pala ni Kris Aquino ang current girlfriend ni Batangas Vice Governor Mark Leviste na si Aira Lopez, isang kilalang content creator at athlete.

Si Mark o mas kilala bilang si VG Mark ay ex-boyfriend ni Kris at umabot daw sila ng isang taon base sa kuwento nito sa panayam niya kasama ang karelasyong si Aira sa online show na “Men’s Room” sa One News PH hosted by Stanley Chi at Janno Gibbs.

Sa nasabing interview ay tinanong kung paano nagkakilala ang dalawa at inamin ng celebrity couple na ini-stalk nila ang isa’t isa.

Pero nauna si VG Mark dahil gusto niyang um-effort para makilala ang dalagang atleta.

“Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Aira especially on social media at una ko siyang na-discover sa Instagram.  She actually posted one of her races na ginanap sa Batangas Racing Circuit (BRC) na kilala bilang karerahan ng mga sasakyan,” bungad ng Batangueñong boyfriend ni Aira.

Baka Bet Mo: Aira, Sugar nagsalita na rin sa isyu ng mag-inang SexBomb Izzy at Andrei Trazona: ‘Sana nag-usap sila hindi sa social media’

Unang pagkakataon daw na nagkaroon ng karera ng bisikleta sa BRC dahil speedway ito, “First time kaming nagkaroon ng bike race sa BRC, usually nagpa-participate ako mostly cycling,” say ni Aira.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jose Antonio “Marc” Leviste II (@markleviste)


Saad naman ni VG Mark, “Ako naman ang pinuno o chairperson ng Committee on Tourism ng buong probinsya kaya nu’ng nakita ko ‘yung post niya (Aira) maari palang mangarera ng bisikleta sa isang speedway.”

Pagkatapos ay nagpadala na ng mensahe si VG Mark kay Aira sa Instagram ng, “Welcome to Batangas,” pero hindi naman siya sinagot at ilang attempts at efforts ay wala pa ring sagot mula sa dalaga.

Katwiran ni Aira, “Nakikita ko naman ang messages kaso hindi ko naman siya kilala pa at inabot ng three years ang message niya at last year lang kami nagkita’t nagkakilala.”

Hmmmm, kung three years na ang mensaheng ito ni VG Mark kay Aira, meaning sila pa ni Kris that time?

Inamin naman ni VG Mark na that time ay nagla-like at comment siya sa mga posts ni Aira sa IG.

“Hindi ko po itinatanggi na isa po ako sa admirers at fanboy niya at nu’ng na-realize ko na mayroon kaming common friends at nag-message ako do’n sa isa na baka puwede akong ipakilala kay Aira at kalaunan ay nag-set siya ng dinner date,” pag-amin ni VG Mark.

Ayon kay Aira, nag-research na siya kung sino si VG Mark at kung sinu-sino ang nakarelasyon nito at nabasa niya dahil napakaingay naman talaga sa socmed kung sino ang huling GF na sinundan niya.

“Nakita ko ‘yung ex niya. Ha-hahaha! Patay! Inamin naman niya (Mark),” tumawang sabi ng dalaga.

Ginawa ito ni Aira bilang paghahanda sa nalalapit nilang pagkikita ng soon-to-be boyfriend niya through dinner date.

Pero nauna siyang in-stalk ni VG Mark at inalam kung saan siya nakatira hanggang sa nagpadala ng mga regalo na iniiwan sa reception ng condo building pero hindi ito kinuha ng dalaga.

“Natatakot ako kasi hindi ko naman siya kilala at lahat pala ng posts ko ini-screenshot niya kung saan ako nakatira, di ba nakakatakot? Pero ang katwiran niya ay gusto niyang um-effort na siya mismo ang makaalam,” saad ni Aira.

At doon napagtanto na click sina VG Mark at Aira sa maraming bagay.

“Magaan kaya kami nag click at maraming topics na interested din ako like politics, sports, hobbies lahat ang gaan lang,” say ni Aira.

Nakangiting sabi pa ni Aira, “Ikinuwento niya lahat pati love experience niya kasi trending ‘yung ex niya, eh, di ba?  Tinanong ko rin kung ano bang nangyari ro’n kasi baka naman kasalanan mo (kunwang sisikuhin si VG Mark) natakot ako di ba?”

Kinulit ni Janno kung ano ang dahilan ng break-up nina VG Mark at Kris, “Girl dali! Spill the tea girl.”

At may ibinuking si VG Mark, “She’s (Aira) also an Aquino. An Aquino from Tarlac, her middle name is Aquino. She’s Aira Lourdes Aquino Lopez.”

“Pero after a month of dating hindi niya alam na Aquino ako pero again, hindi po (kami) relatives,” diin ni Aira.

Paano ikinuwento ni VG Mark kay Aira ang tungkol sa kanila ni Kris.

“Siyempre nagtanong din ako (paano naghiwalay) kasi nga nasa news kaya siguro naging basher din ako (ni VG Mark) before kasi di ba, kung ano ‘yung nakikita natin sa news doon tayo naniniwala, eh. So, sabi ko hayyyyy, nakakatakot. Ha-hahahaha!

“So, nagtanong ako kasi fan din ako ni Ms. Kris Aquino, alam mo (Mark) ‘yan.  Super fan din ako before until now naman. Kaya sabi ko kay VG, anong nangyari? Sabi niya talagang ‘true love’ and based on my research din naman ang tagal ng admirer ni VG kay Ms. Kris noon pa at ang daming interviews, di ba?

“Ang daming events na lagi silang nai-interview at ito (sabay hawak sa pisngi ni VG Mark) matagal nang asking for a date for Ms. Kris, so what happened? Sabi niya normal love story na may mga hindi napagkakasunduan, ikaw na (VG Mark) magtuloy, ayoko na,” tumatawang sabi ni Aira.

Dagdag pa, “Parang hindi yata tamang coming from me, ikaw (VG Mark) na, go na.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inamin ni VG Mark ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Kris, “For whatever (reasons), we had a civil and healthy separation, so, no bad blood, no hard feelings, gusto kong isipin na kami ay nagsimula at natapos na kami ay naging magkaibigan, more than a year.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending