Aira, Sugar nagsalita na rin sa isyu ng mag-inang SexBomb Izzy at Andrei Trazona: 'Sana nag-usap sila hindi sa social media' | Bandera

Aira, Sugar nagsalita na rin sa isyu ng mag-inang SexBomb Izzy at Andrei Trazona: ‘Sana nag-usap sila hindi sa social media’

Ervin Santiago |September 19,2023
facebook
share this

Aira, Sugar nagsalita na rin sa isyu ng mag-inang SexBomb Izzy at Andrei Trazona: ‘Sana nag-usap sila hindi sa social media’

Ervin Santiago - September 19, 2023 - 02:16 PM

Aira, Sugar nagsalita na rin sa isyu ng mag-inang SexBomb Izzy at Andrei Trazona: 'Sana nag-usap sila hindi sa social media'

NAGBIGAY ng saloobin ang mga original SexBomb Girls na sina Aira Bermudez at Sugar Mercado sa kontrobersyang kinasasangkutan ng kaibigan at kagrupo nila noon na si Izzy Trazona.

Na-bash nang bonggang-bongga si SexBomb Izzy dahil sa pagkontra niya sa pagsabak ng kanyang anak na si Andrei Trazona sa mundo ng mga drag queen.

Lantarang nitong sinabi na hindi niya tanggap ang ginagawa ni Andrei na kilala na ngayon bilang si Sofia as drag artist. At dahil nga rito, bugbog-sarado si SexBomb Izzy sa mga bashers.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, nahingan ng reaksyon sina Aira at Sugar kung ano ang masasabi nila sa kinasasangkutang isyu ng mag-ina na hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ng mga Marites all over the universe.

Ayon kay Aira, naiintindihan niya ang pinanggagalingan ng kanyang kaibigan pero aniya, hindi na sana sila nagpalitan ng mensahe ni Andrei sa social media na nagpalala pa ng sitwasyon.

“Kasi ‘yan si Izzy kumare ko ‘yan, mahal ko ‘yan. Meron siyang pinaninindigan at pinaniniwalaan.

Baka Bet Mo: Izzy Trazona deadma sa bashers, ‘amazingly at peace’ sa kabila ng pambabatikos ng netizens

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Yung faith niya kay God, kailangan nating irespeto ‘yun at ‘yung gustong mangyari ng anak niya kailangan din nating irespeto, ‘yun naman ang laging tinuturo sa atin,” paliwanag ni Aira.

Ang punto pa niya, “Pero sana ‘yun lang, pagdating sa problema ng pamilya, ‘yung sinasabi natin palagi, when it comes to social media, ‘Think hard before you click.’

“Kasi ‘yung personal na buhay natin hindi naman nila gustong malaman ‘yun. Sana na lang, nag-usap sila, hindi sa social media,” sey pa ng dancer-choreographer.

Para naman kay Sugar, “Ako naman po, ire-relate ko rin po sa pagiging nanay ko kasi kahit sino naman po sa atin, kahit sinong mahal natin sa buhay at lalo na’t anak mo, andiyan po ‘yung iingatan mo, gusto mong maging maganda ‘yung buhay niya.

“Naiintindihan ko rin po si Ate Izzy. Ang pinaglalaban naman po niya dito ‘yung Panginoon na, wala nang kahit na sino, kaya hindi ko rin po siya masisisi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero agree rin po ako kay Ate Aira na sana nag-usap na lang po sila,” mariing pahayag ni Sugar.

Related Chika:
Lalaking ‘wanted’ kay SexBomb Dancer Sunshine Garcia lumantad na: ‘Thank you sa mga nag-tag sa akin’

Alden nilandi-landi si Sugar; pinagtripan daw si Maine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending